Search
  • BULGAR

Karapatan sa katahimikan sa komunidad

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 17, 2021



Ang sumusunod na mga probisyon ay tumutukoy sa karapatan ng tao laban sa panghihimasok sa katahimikan sa kanyang tahanan, at maging sa komunidad na kanyang ginagalawan. Malinaw na isinasaad sa batas, partikular ng Civil Code of the Philippines na:


“Art. 19. Every person must, in the exercise of his rights and in the performance of his duties, act with justice, give everyone his due, and observe honesty and good faith.
xxx xxx xxx
Art. 26. Every person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons. The following and similar acts, though they may not constitute a criminal offense, shall produce a cause of action for damages, prevention and other relief:
(1) Prying into the privacy of another's residence:
(2) Meddling with or disturbing the private life or family relations of another;
(3) Intriguing to cause another to be alienated from his friends;
(4) Vexing or humiliating another on account of his religious beliefs, lowly station in life, place of birth, physical defect, or other personal condition.

Kung ating pagninilayan ang mga nabanggit, maliwanag na sinasabi ng batas na ang sinumang gagamit ng kanyang karapatan ay marapat na siya ay gumamit nito nang may paggalang sa hustisya at pagkilala sa karapatan ng ibang tao. Marapat na respetuhin ng bawat isa ang dignidad, personalidad, kapayapaan at katiwasayan ng pag-iisip at pamumuhay ng kanilang kapwa tao upang maging maayos ang komunidad na kanilang ginagalawan.


Ang mamamayan na nagnanais mag-alaga ng hayop ay may tungkulin na panatilihing hindi makawala ang mga ito at gawing malinis ang kanilang lugar nang hindi ito pagsimulan ng mabahong amoy. Kapag nagdulot ito ng masamang amoy at naging sanhi ng pagkakasakit ng mga naapektuhan nito, ang may-ari ng mga hayop ay maaaring sampahan ng kaso upang makahingi ng danyos at patigilin ang pinagmumulan ng masamang amoy dahil ang nasabing masamang amoy ay itinuturing na “public nuisance”. Ang “nuisance” ayon sa batas ay ang mga sumusunod:


“Art. 694. A nuisance is any act, omission, establishment, business, condition of property, or anything else which:
(1) Injures or endangers the health or safety of others; or
(2) Annoys or offends the senses; or
(3) Shocks, defies or disregards decency or morality; or
(4) Obstructs or interferes with the free passage of any public highway or street, or any body of water; or
(5) Hinders or impairs the use of property.


Ang bawat may-ari ng bahay o lupa ay may obligasyong sundin ang batas na nagbabawal na gumawa ng anumang aksiyon na makagagambala sa pamamagitan ng ingay o mabahong amoy (Artikulo 682, Civil Code).


Sa pagkakataong ang pag-aalaga ng hayop ay makapagdudulot ng gambala dahilan sa ingay at mabahong amoy ng mga ito ay maaaring ireklamo ang kapitbahay na nangangalaga sa mga ito para ito ay pigilan at pagbayarin ng danyos ayon sa batas kung saan nakasaad na:


“Art. 699. The remedies against a public nuisance are:
(1) A prosecution under the Penal Code or any local ordinance: or
(2) A civil action; or
(3) Abatement, without judicial proceedings.
xxx xxx xx
Art. 703. A private person may file an action on account of a public nuisance, if it is specially injurious to himself. 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.