top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Karapatan ng Pinay na nakasal sa foreigner

BULGAR
Mar 23, 2022
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 23, 2022


Dear Chief Acosta,


Sinabihan po ako ng aking kaibigan na kaagad na mawawala diumano ang aking Philippine citizenship sa oras na ako ay makasal sa aking foreigner na fiancé. Tama po ba ang payong ito?


Kim


Dear Kim,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Chapter V, Section 19 ng Republic Act No. 9710 o mas kilala sa tawag na The Magna Carta of Women, kung saan nakasaad na:


“SEC. 19. Equal Rights in All Matters Relating to Marriage and Family Relations. –


x x x


(g) women shall have equal rights with men to acquire change, or retain their nationality. The State shall ensure in particular that neither marriage to an alien nor change of nationality by the husband during marriage shall automatically change the nationality of the wife, render her stateless or force upon her the nationality of the husband. Various statutes of other countries concerning dual citizenship that may be enjoyed equally by women and men shall likewise be considered;” (Binigyang-diin)


Sang-ayon sa nabanggit, malinaw na ang pagpapakasal sa isang foreign national, o ang pagpapalit ng nationality ng kanyang asawa, ay hindi dahilan upang kaagad na mawala ang nationality o Philippine citizenship ng isang Pilipina, sapagkat siya ay may karapatang panatilihin ang kanyang nationality. Ibig sabihin, hindi tama ang sinabi sa inyo ng inyong kaibigan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page