Karapatan ng nagpapa-breastfeed na empleyado na makakuha ng dagdag-40-minutes sa lunch break
- BULGAR
- Sep 3, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 03, 2021
Dear Chief Acosta,
Isa akong call center agent at kapapanganak ko pa lamang. Pagbalik ko sa trabaho, lumalagpas ako ng isang oras sa aking mandatory one hour lunch break dahil nahihirapan ako sa pagpapalabas ng breast milk na kinakailangan ko itabi para sa aking anak. Dahil dito, kinakaltasan ang aking sahod ng aming kumpanya. Tama ba ito? – Angie
Dear Angie,
Para sa inyong kaalaman, kayo ay nararapat na makatanggap ng karagdagang break mula sa inyong kompanya na hindi hihigit sa 40-minuto. Ito ay alinsunod sa Section 7 ng Republic Act (R. A.) No. 10028, o ang “Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009,” na nagsasaad nito:
“Section 7. A new Section 12 is hereby added to read as follows:
Sec. 12. Lactation Periods. - Nursing employees shall granted break intervals in addition to the regular time-off for meals to breastfeed or express milk. These intervals, which shall include the time it takes an employee to get to and from the workplace lactation station, shall be counted as compensable hours worked. The Department of Labor and Employment (DOLE) may adjust the same: Provided, That such intervals shall not be less than a total of forty (40) minutes for every eight (8)-hour working period.”
Malinaw sa nasabing batas na nararapat na bigyan kayo ng kumpanya ng karagdagang oras upang makapaglabas ng inyong breast milk para sa inyong anak. Ang nasabing karagdagang oras ay dapat hindi hihigit sa 40-minutong break, kada walong oras na trabaho. Ibig sabihin ay maaari lamang kayo kaltasan sa sahod ng inyong kumpanya sa mga oras na sosobra sa 40-minuto.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments