top of page

Karapatan ng misis na iniwan ng asawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2022
  • 4 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 23, 2022



Ang mga sumusunod na probisyon ang obligasyon ng bawat mag-asawa. Ito ay itinalaga ng batas na kanilang gagampanan sa sandaling kanilang ibigay ang pagsang-ayon na pumasok sa buhay may-asawa.


“Art. 68. Husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support.”


Art. 70. The spouses are jointly responsible for the support of the family. The expenses for such support and other conjugal obligations shall be paid from the community property and, in the absence thereof, from the income or fruits of their separate properties. In case of insufficiency or absence of said income or fruits, such obligations shall be satisfied from the separate properties.


Art. 71. The management of the household shall be the right and the duty of both spouses. The expenses for such management shall be paid in accordance with the provisions of Article 70.


Art. 72. When one of the spouses neglects his or her duties to the conjugal union or commits acts which tend to bring danger, dishonor or injury to the other or to the family, the aggrieved party may apply to the court for relief.”


​Ito ang sinasabi ng Family Code of the Philippines sa kung ano ang karapatan at obligasyon ng mag-asawa sa isa’t isa at sa kanilang binuong pamilya. Obligasyon ng mag-asawa na magsama, magmahalan, magrespetuhan, maging tapat sa isa’t isa, magtulungan at magbigay-suporta para sa ikabubuti ng bawat isa, pamilya at ng kanilang mga anak. Ang mga obligasyon at karapatang ito ay ang epekto ng kasal na nagbubuklod sa babae at lalaki na nagmamahalan.


Subalit kapag hindi maiwasan na ang mag-asawa ay kinakailangang magkalayo dahil ang isa sa kanila ay kinakailangang magtrabaho sa ibang lugar, pinahihintulutan ng batas na hindi sila magsama. Maliban sa dahilang ito ay obligasyon ng mag-asawa ang magsama sa kanilang itinalagang family home o conjugal dwelling.


Sa pagkakataong ang isa sa mag-asawa ay inabandona ang pamilya hindi dahil kailangan niyang magtrabaho sa malayong lugar, kung hindi umalis ito nang walang paalam at hindi niya magampanan ang obligasyong ito, nangangahulugan lamang na siya ay tumalikod na sa kanyang sinumpaang tungkulin. Malimit na biktima sa ganitong sitwasyon ay ang asawang babae, kung saan bigla na lamang siyang iniwan ng kanyang asawa.


Sa En Banc na desisyon ng Korte Suprema sa kasong Republic vs. Manalo (G.R. No. 221029, April 24, 2018) na isinulat ng dating Punong Mahistrado Diosdado M. Peralta, sinabi nila ang mga sumusunod:


“The declared State policy that marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State, should not be read in total isolation but must be harmonized with other constitutional provisions. Aside from strengthening the solidarity of the Filipino family, the State is equally mandated to actively promote its total development. It is also obligated to defend, among others, the right of children to special protection from all forms of neglect, abuse, cruelty, exploitation, and other conditions prejudicial to their development. xxx xxx xxx

It is not amiss to point that the women and children are almost always the helpless victims of all forms of domestic abuse and violence. In fact, among the notable legislation passed in order to minimize, if not eradicate, the menace are R.A. No. 6955 (prohibiting mail order bride and similar practices), R.A. No. 9262 ("Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004"), R.A. No. 9710 ("The Magna Carta of Women"), R.A. No. 10354 ("The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012"), and R.A. No. 9208 ("Anti-Trafficking in Persons Act of 2003"), as amended by R.A. No. 10364 ("Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012"). Moreover, in protecting and strengthening the Filipino family as a basic autonomous social institution, the Court must not lose sight of the constitutional mandate to value the dignity of every human person, guarantee full respect for human rights, and ensure the fundamental equality before the law of women and men.”


Sa mga nabanggit ng Korte Suprema sa nasabing kaso, makikita natin na bukod sa pagpapahalaga sa kasal bilang institusyon, binibigyang-halaga rin ng estado ang karapatan ng asawang babae at ng mga anak nitong iniwan ng kanilang padre-de-pamilya. Kinikilala ng hukuman maging ng Kongreso na ang asawang babae at mga anak nito ang madalas na biktima sa mga pang-aabuso. Kaya naman, bukod sa batas na nagbibigay-proteksiyon sa kababaihan at mga anak nito, may mga batas din na isinagawa na nagsasabi ng mga hakbangin ng mga babaeng iniwan ng kanilang asawa.


Ang sabi ng batas, kung ang asawa ay hindi na magampanan ang kanyang obligasyon sa conjugal union, ang asawang naagrabyado ay maaaring pumunta sa hukuman upang makakuha ng kaluwagan (relief). Ang mga hakbang na maaaring gawin ay maghain ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage o Legal Separation sa ilalim ng Article 36 at 55 ng Family Code, kung saan isinasaad ang mga sumusunod:


“Art. 36. A marriage contracted by any party who, at the time of the celebration, was psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage, shall likewise be void even if such incapacity becomes manifest only after its solemnization. x x x


Art. 55. A petition for legal separation may be filed on any of the following grounds: xxx


(10) Abandonment of petitioner by respondent without justifiable cause for more than one year.”


Magkaiba ang epekto ng mga nabanggit na hakbangin. Sa Petition for Legal Separation, ang mag-asawa ay magbubukod lamang ng tirahan, pero hindi pa rin napapawalang-bisa ang kasal, kung kaya hindi sila maaaring magpakasal sa ibang tao. Samantala, sa Petition for Declaration of Nullity of Marriage, ang kasal ay napapawalang-bisa at magbibigay ng karapatan sa mga dating mag-asawa na muling makapag-asawa.

1 comentário


Marvin Florentino
Marvin Florentino
25 de set. de 2023

“Art. 68. Husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support.”


Atty. Pwede ko po ba kasuhan ang asawa kong babae sa pag iwan nya samin ng anak ko na nagpaalam na may bibilhin lang sila ng kapatid nya pero hindi na bumalik ng matagal na panahon?


marvinflorentino@gmail.com

Curtir

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page