Julie Anne, no match daw sa Popstar… SIGAW NG FANS: WALANG PAPALIT KAY SARAH!
- BULGAR
- 1 day ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 6, 2025
Photo: Sarah G - IG
Pumalag ang Popster fans ni Sarah Geronimo sa lumabas na tsikang ikinukumpara ang Popstar Royalty sa Kapuso singer na si Julie Anne San Jose.
May lumabas kasing si Julie Anne na raw ang bagong Pop Royalty at hindi na si Sarah G.
Kaya sabi ng mga fans, “Kahit sino na lang ikinukumpara kay Sarah Geronimo. Pero tandaan, Sarah G. is Sarah G. Wala nang kapantay, wala nang kapalit. Isa lang ang Popstar Royalty!”
“Sa mga accomplishments ni Sarah, wala pa si San Jose, napakalayo.”
“No, walang papalit sa kanya. Nag-iisa ang Sarah G. bilang performer. Sinasabi ng marami, wala pa’t ‘di pa ipinapanganak ang pumalit sa kanya bilang Popstar.”
“Wala pa s’ya sa kalingkingan ni Sarah... walang papalit sa kanya bilang Popstar Royalty.”
“Total package si Sarah G. Top sa quality of voice, top sa dance performance, top sa hosting, at patok sa takilya ang mga movies at teleserye queen. Napakayaman pa at mapagmahal na anak at asawa! Champion pa sa competition at napakaraming awards pa, ang layo niya kay Julie.”
“Sarah Geronimo had proven herself internationally. You cannot compare her to any singers in the Philippines. Sad to say, but it’s true.”
“No point of comparison. Sarah has already carved her own niche in the music/film industry. Compare Julie with her own contemporaries.”
Very well said! But wait... where is Sarah Geronimo now? Mukhang nananahimik ang mundo ngayon ng Popstar Royalty.
VIRAL si Anne Curtis dahil sa kanyang post nang lumipad siya patungong France kasama ang asawang si Erwan Heussaff at ang kanilang anak.
Sa nasabing vacay, pumunta sila sa sikat na Puy du Fou, isang theme park doon.
Marami ang pumuri sa OOTD (outfit of the day) ni Anne, pati na rin ang kanyang biyenan.
Ang caption ni Anne, “A step back into medieval times. Was pretty amazed by the effort and talent put into it. Such a great way to learn about the ways of the past.”
Sa mga litratong ibinahagi, makikitang napakaganda ni Anne sa suot na all-black ensemble na may floral accents — isang dreamy at eleganteng outfit na agad namang napansin ng kanyang mga fans na todo-puri sa aktres at sa kanyang fashion taste na noon pa ay nagba-viral na talaga.
Maraming netizens ang napa-comment, nagtatanong kung saan galing ang kanyang suot, habang ang iba naman ay hindi napigilang purihin ang kanyang timeless beauty at elegance na kanyang taglay.
Bukod sa mga komento ng mga fans, kapansin-pansin din ang naging komento ng ina ni Erwan na si Cynthia Heussaff, na nagsabing, “Love your outfit!”
Marami ang sumang-ayon sa papuri ng biyenan ng aktres, at lalo pang pinuri si Anne bilang isang huwarang fashion icon sa showbiz.
Sa kabila ng simpleng family trip, muling pinatunayan ni Anne ang natural niyang ganda at kakayahang humakot ng atensiyon saanman siya magpunta, local man o international.
Nauntog na ‘di pa ready… ANJO, NATAKOT BUGBUGIN NI FPJ, UMATRAS SA KASAL KAY SHERYL
LATELY ay ibinulgar ni Anjo Yllana ang mga nali-link sa kanyang female celebrities.
Una ay ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Ngayon naman ay tungkol sa kanila ni Sheryl Cruz.
Guest ang comedian-actor sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Friday.
Nagkaroon pala ng relasyon sina Anjo at Sheryl kung saan muntik na silang magpakasal.
Kuwento niya, nag-backout siyang pakasalan ang aktres dahil natakot siya sa uncle ng aktres na si Fernando Poe, Jr. (RIP).
Aniya, “Natakot ako doon sa tito niya, si FPJ… Sabi ko, ‘Baka bugbugin ako,’” pangungumpisal ni Anjo sa FTWBA.
Talaga raw nag-disappearing act siya pagkatapos niyang mag-propose kay Sheryl, saying he wasn’t emotionally ready at the time.
Dagdag pa niya, 10 years later daw ay nagkaroon sila ng reunion project.
Pagbabahagi ni Anjo, may eksena silang sasampalin siya ni Sheryl.
Sey niya, “Inilabas n’ya ‘yung galit niya ng sampung taon.”
Napanood daw niya nang mag-guest ang aktres sa programa kung saan ibinahagi rin ng aktres ang kanilang called-off wedding.
“Kaya nga noong nag-guest s’ya rito, nahulog ako sa upuan ko kasi sinabi n’ya ‘yung totoo, ‘yung kasal na hindi natuloy,” natatawang sabi ni Anjo.
Kuwento pa niya, “Niyaya ko na s’yang magpakasal noon. Then I broke up because natakot ako doon sa tito niya, si FPJ. I had to talk to him daw, bago kami magkatuluyan.
“So, nagkaroon ako ng cold feet. Sabi ko, ‘Baka bugbugin ako.’ Ganu’n ‘yung isip ko noon kasi bata pa ako, eh, first time ko magpapakasal. Sabi ko, ‘Takot ako,’” pag-amin ni Anjo.
Pahabol niya, “‘Yun nga ‘yung sinabi n’ya noong inihulog n’ya ‘yung bomba ng interview. Totoo ‘yun, na bigla na lang ako nawala kasi ‘yun ang rason.”
‘Kaloka! Hahaha!
Comments