top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Karapatan ng misis na gumawa ng huling habilin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 27, 2021



Dear Chief Acosta,

Ang aking asawan ay may malubhang karamdaman bago pa man ang pandemya. Ito marahil ang nagtulak sa kanya upang gumawa ng huling habilin. Natuklasan ko ito nang hindi sinasadya at nalaman ko na ipamamana niya ang ilan sa kanyang hiwalay na pag-aari sa kanyang matalik na kaibigan. Maaari ba niyang gawin ang lahat ng ito nang wala akong pahintulot? – Rodick


Dear Rodick,

Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa mga sumusunod na artikulo ng Civil Code of the Philippines na nagsasaad:


“Art. 802. A married woman may make a will without the consent of her husband, and without the authority of the court.


Art. 803. A married woman may dispose by will of all her separate property as well as her share of the conjugal partnership or absolute community property.


Art. 842. One who has no compulsory heirs may dispose by will of all his estate or any part of it in favor of any person having capacity to succeed.


One who has compulsory heirs may dispose of his estate provided he does not contravene the provisions of this Code with regard to the legitime of said heirs.


Art. 886. Legitime is that part of the testator’s property which he cannot dispose of because the law has reserved it for certain heirs who are, therefore, called compulsory heirs.


Art. 914. The testator may devise and bequeath the free portion as he may deem fit.” (Binigyang diin)


Tinukoy ng batas ang legitime bilang bahagi ng pag-aari ng taong gumawa ng habilin (testator) na hindi niya maaaring ipamahagi dahil inilaan ito ng batas sa mga tagapagmanang tinatawag na compulsory heirs.


Ayon sa nabanggit na mga probisyon ng batas, ang inyong asawa ay maaaring gumawa ng huling habilin nang wala ang inyong pahintulot. Maaari rin niyang ipamana sa kanyang matalik na kaibigan, sa pamamagitan ng huling habilin, ang ilan sa kanyang hiwalay na pag-aari na kabilang sa libreng bahagi (free portion) ng kanyang ari-arian basta’t hindi mabawasan ang legitime ng kanyang compulsory heirs.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page