top of page

Karapatan ng mga biktima ng “torture”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 13, 2024
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Oct. 12, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Ang ating Saligang Batas ay nagbibigay proteksyon hindi lamang sa mga inaakusahan ng isang krimen kundi pati na rin sa mga taong napatawan ng sentensya dahil sa kanilang naging pagkakamali at paglabag sa batas. 


Kasama rito ang pagtiyak na hindi sila malalagay sa anumang sitwasyon na labag sa kanilang mga karapatan, kahit sila’y nagkasala man o hindi.


Noong November 10, 2009, inaprubahan ang Republic Act (R.A.) No. 9745 o mas kilala sa titulong “Anti-Torture Act of 2009”. Nakasaad sa nabanggit na batas ang isa sa mga polisiya ng Estado katulad ng mga sumusunod:

 

“(b) To ensure that the human rights of all persons, including suspects, detainees and prisoners are respected at all times; and that no person placed under investigation or held in custody of any person in authority or, agent of a person in authority shall be subjected to physical, psychological or mental harm, force, violence, threat or intimidation or any act that impairs his/her free wi11 or in any manner demeans or degrades human dignity;”


Kung ating iintindihin ang probisyon ng naturang batas, makikita natin dito ang layunin ng ating pamahalaan at estado na protektahan ang karapatan ng bawat mamamayan maging ng mga suspek sa isang krimen, sa mga sumasailalim sa imbestigasyon para sa isang krimeng naganap, sa mga nakakulong o nakadetine at maging ng mga bilanggo. Kapag nagkaroon ng isang pagmamaltratong pisikal (physical) o sikolohikal (psychological) ang biktima ay may karapatan na humingi ng agarang tulong sa Commission on Human Rights (CHR), Department of Justice (DOJ), Public Attorney’s Office (PAO), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP). 


Kaugnay sa nabanggit na batas, maaaring imbestigahan ng PAO ang anumang reklamo ng pagmamaltrato sa isang nakadetine na nangangahulugang siya ay nakaranas ng “torture” sa loob ng piitan. Maaaring hilingin sa tanggapan ng PAO ng taong naging biktima ng “torture” o kaanak nito na ang PAO ay mag-imbestiga at magbigay ng tulong legal sapagkat ito ay aming mandato. Ito ay ayon sa probisyon ng Section 9 ng R.A. No. 9745 na nagsasaad na:


“Section 9. xxx

(a) To have a prompt and an impartial investigation by the CHR and by agencies of government concerned such as the Department of Justice (DOJ), the Public Attorney’s Office (PAO), the PNP, the National Bureau of Investigation (NBI) and the AFP. A prompt investigation shall mean a maximum period of sixty (60) working days from the time a complaint for torture is filed within which an investigation report and/or resolution shall be completed and made available. An appeal whenever available shall be resolved within the same period prescribed herein;”


Ang mandato ng PAO na mag-imbestiga at magbigay ng tulong legal ay nakapaloob din sa Section 11 ng naturang batas kung saan nakasaad na ang PAO ay magbibigay ng tulong legal sa imbestigasyon, pagsubaybay at pagsasampa ng reklamo para sa isang tao (o anumang kaanak nito may interes sa kanya) na nakaranas ng “torture” at ng iba pang uri ng hindi makatao, labis na pananakit at pagpaparusa.


Ang aming tanggapan ay mayroong Forensic Laboratory Division na itinatag at pinasinayaan noong January 27, 2010 ng dating Secretary ng Department of Justice, Honorable Agnes VST Devanadera. Itinatag ng PAO ang nasabing PAO Forensic Laboratory Division upang tugunan ang mandato ng tanggapan na tumulong sa imbestigasyon ng anumang uri ng pagmamaltrato o “torture” na ilalapit sa aming opisina ng mga nakaranas nito o ng kanilang mga mahal sa buhay at maging ng mga biktima ng “mass disaster.’ May kakayahan ang PAO Forensic Laboratory Division na eksaminin ang bakas ng anumang uri ng sugat, hampas o anumang uri ng pananakit.


Ang mga biktima ng “torture” ay maaaring mabigyan ng proteksyon sa ilalim ng batas. Ang biktima ng “torture” o ng mga kaanak nito ay maaari pong makahingi ng proteksyon mula sa estado sa pamamagitan ng mga kaukulang ahensya nito laban sa lahat ng uri ng pananakot, pagbabanta dahilan sa pagsasampa nito ng kanyang reklamo. Ito ay alinsunod sa talata (b) ng Section 9 ng RA 9475, na nagsasaad:


(b) To have sufficient government protection against all forms of harassment; threat and/or intimidation as a consequence of the filing of said complaint or the presentation of evidence therefor. In which case, the State through its appropriate agencies shall afford security in order to ensure his/her safety and all other persons involved in the investigation and prosecution such as, but not limited to, his/her lawyer, witnesses and relatives”.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page