top of page

Karapatan ng mag-asawang legally separated

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 21, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Sang-ayon sa Article 55 ng Family Code of the Philippines, ang isang Petition for Legal Separation ay maaaring ihain base sa mga sumusunod:

1. Repeated physical violence or grossly abusive conduct directed against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner;

2. Physical violence or moral pressure to compel the petitioner to change religious or political affiliation;

3. Attempt of respondent to corrupt or induce the petitioner, a common child, or a child of the petitioner, to engage in prostitution, or connivance in such corruption or inducement;

4. Final judgment sentencing the respondent to imprisonment of more than six years, even if pardoned;

5. Drug addiction or habitual alcoholism of the respondent;

6. Lesbianism or homosexuality of the respondent;

7. Contracting by the respondent of a subsequent bigamous marriage, whether in the Philippines or abroad;

8. Sexual infidelity or perversion;

9. Attempt by the respondent against the life of the petitioner; or

10. Abandonment of petitioner by respondent without justifiable cause for more than one year.

 

​Ang naagrabyadong asawa na mayroong dahilan katulad ng mga nabanggit sa itaas ay maaaring maghain ng kanyang petisyon sa husgado sa loob ng limang taon mula sa pangyayari ng kanyang basehan para hilingin sa husgado na siya ay legal na mahiwalay sa kanyang asawa. Sa oras na maihain na ang petisyon sa korte ay maaari nang mamuhay ang mag-asawa ng hiwalay sa isa’t isa. Kapag walang napagkasunduan ang mag-asawa na mangangalaga sa kanilang mga absolute community o conjugal partnership property, ang husgado ay magtatalaga kung sino sa kanila ang magiging tagapangalaga ng mga nabanggit na ari-arian.

 

​Kapag napagdesisyunan na ng husgado ang petisyon at ito ay pinagbigyan, ang kasal ay hindi pa rin mapapawalang-bisa subalit ang mag-asawa ay maaari nang bumukod sa isa’t isa at mamuhay ng kanya-kanya. Ang absolute o conjugal partnership ay mapuputol atang may salang asawa ay hindi maaaring humingi ng kanyang bahagi sa mga kita ng absolute o conjugal partnership. Bagkos, ito ay mapupunta sa kanilang mga anak. Ang kustodiya para sa mga menor de edad na anak ay ibibigay rin sa walang kasalanang asawa.

 

​May karapatan din ang asawang naagrabyado na hindi bigyan ng mana ang may salang asawa sa intestate succession at kung may nagawa mang testamento ang inosenteng asawa pabor sa may salang asawa, ito ay mawawalan ng bisa ayon sa batas.

 

​Matapos na ang decree ng legal separation ay maging pinal, maaaring ipawalang-bisa ng  inosenteng asawa ang anumang donasyong kanyang isinagawa pabor sa kanyang asawa, kabilang ang destinasyon niya bilang benepisaryo sa insurance policy. Ang pagbawi ng donasyon ay kinakailangang mairehistro sa Register of Deeds kung saan matatagpuan ang nasabing ari-arian. Anumang pagpapawalang-bisa ng donasyon ay kinakailangang magawa sa loob ng limang taon matapos maging pinal ang decree ng legal separation.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page