Karapatan ng HIV-positive na makakuha ng personal life insurance
- BULGAR
- Apr 28, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 28, 2021
Dear Chief Acosta,
Nag-apply ako ng personal life insurance sa insurance company pero ako ay tinanggihan dahil sinabi ko na ako ay HIV-positive. Gusto kong malaman kung tama bang mangyari ito? – Maine
Dear Maine,
Ang batas na sasaklaw patungkol sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R. A.) No. 11166, o mas kilala bilang “Philippine Aids Prevention and Control Act of 1998.” Nakasaad sa Seksyon 42 ng R. A. No. 11166 ang sumusunod:
“Section 42. Health Insurance and Similar Health Services. - The PhilHealth shall:
xxx xxx xxx
The PhilHealth shall enforce confidentiality in the provision of these packages to PLHIV. No PLHIV shall be denied or deprived of private health insurance under a Health Maintenance Organization (HMO) and private life insurance coverage under a life insurance company on the basis of the person's HIV status. Furthermore, no person shall be denied of his insurance claims if he dies of HIV or AIDS under a valid and subsisting life insurance policy.” (Binigyang-diin)
Alinsunod sa nabanggit na probisyon ng batas, walang tao na nasuri at nahawaan ng human immunodeficiency virus (HIV) ang maaaring tanggihan o pagkaitan ng private life insurance coverage ng life insurance company sa kadahilanan ng nasabing kalagayan. Kaugnay nito, ang paglabag sa nabanggit ng probisyon ng batas ay may karampatang kasong kriminal at administratibo, na maaaring magresulta sa pagbabayad ng multa na hindi bababa sa P50,000 at/o pagkakakulong magmula anim na buwan hanggang limang taon ayon sa Section 50 ng R.A. No.11166.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments