top of page
Search
  • BULGAR

Karapatan ng anak-anakan sa ilalim ng foster care program

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 06, 2021



Sang-ayon sa ating Saligang-Batas, pangangalagaan ng ating estado ang karapatan ng mga bata laban sa lahat ng uri ng pagpapabaya, pang-aabuso, kalupitan, pananamantala at sa iba pang kondisyon na maaaring ikasira ng kanilang pag-unlad. Dahil dito, ipinasa ang batas na may layuning bigyan ng foster family ang batang napabayaan, naabuso, inabandona at ng mga batang mayroong espesyal na pangangailangan. Ang foster family na ito ay alternatibong pamilya na magbibigay ng pagmamahal, pangangalaga at pag-aaruga sa nasabing bata.


Ang pangunahing layunin ng foster care ay para iparamdam sa bata na maaaring ilagay sa ilalim ng nasabing programa, ang pagmamahal at pag-aaruga na mapagmahal na pamilya, bagama’t pansamantala hanggang sa ang nasabing bata ay tuluyan nang mahanapan ng permanenteng pamilya na aampon sa kanya.


Kinikilala ng estado na sa karamihang kaso, higit na makikinabang ang bata mula sa pagpapalaking pangangalaga (foster care) kaysa sa institutional care. Ito ang dahilan kung bakit ipinatutupad sa ating bansa ang Foster Care Program. Ito ay mahalagang hakbang patungo sa pagkakabalik ng bata sa kanyang totoong pamilya o mailagay ito sa pamilyang mag-aampon at mag-aaruga sa kanya.


Ayon sa Article II ng Republic Act (R.A.) No. 10165, o angFoster Care Act of 2012,” ang mga sumusunod ay maaaring sumailalim sa foster care:


(a) A child who is abandoned, surrendered, neglected, dependent or orphaned;


(b) A child who is a victim of sexual, physical, or any other form of abuse or exploitation;


(c) A child with special needs;


(d) A child whose family members are temporarily or permanently unable or unwilling to provide the child with adequate care;


(e) A child awaiting adoptive placement and who would have to be prepared for family life;


(f) A child who needs long-term care and close family ties but who cannot be placed for domestic adoption;


(g) A child whose adoption has been disrupted;


(h) A child who is under socially difficult circumstances such as, but not limited to, a street child, a child in armed conflict or a victim of child labor or trafficking;


(i) A child who committed a minor offense but is released on recognizance, or who is in custody supervision or whose case is dismissed; and


(j) A child who is in need of special protection as assessed by a social worker, an agency or the DSWD.”


Sa pagpili ng foster parent, ang mga kamag-anak ng batang isasailalim sa foster care ay bibigyan ng prayoridad kapag sila ay kuwalipikado. Ang mga banyaga ay maaari ring maging kuwalipikadong foster parents kapag sila ay nanirahan na sa Pilipinas ng labing-dalawang (12) buwan na diretso at maninirahan pa rin sa Pilipinas sa loob ng termino ng foster care.


Upang masubaybayan ang Foster Care Program, magkakaroon ng superbisyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa foster parent at sa foster child. Magsasagawa ng home visit ang social worker, at sa ganitong paraan ay makikita ng social worker ang kalagayan ng bata sa kanyang foster home, at ang pakikitungo ng bawat foster parent sa kanilang foster child.


Ang batang isasailalim sa foster care ay mabibigyan ng subsidy ng DSWD. Ang financial subsidy ay batay sa kung ano ang pangangailangan ng bata upang mabawasan ang pinansiyal na obligasyon ng foster parent nito. Bukod sa financial subsidy sa bata, ang foster parent ay mabibigyan din ng support care services.


Ang foster parent na mapatutunayang nagsagawa ng pagpapabaya, pang-aabuso, kalupitan o anumang karahasan na maaaring makasama sa pag-unlad ng foster child ay maaaring maparusahan sa ilalim ng R. A. No. 7610, o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act,” at ng iba pang kaukulang batas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page