Karapatan ng akusado na makalaya pansamantala mula sa pagkakakulong
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 16, 2022
Isa sa mga uri ng piyansa na pinapayagan ng hukuman ay ang "Release on Recognizance."
Ang "recognizance" ay isang paraan, kung saan maaaring makalabas ang nasasakdal mula sa kanyang pagkakakulong habang nililitis ang kanyang kaso at manatili sa pangangalaga ng taong responsable sa lipunan, matapos na siya ay maghain sa husgado ng aplikasyon para makalabas sa ilalim ng Republic Act (R. A.) No. 10389 o mas kilala sa titulong "Recognizance Act of 2012".
Nakasaad sa Section 5 ng nabanggit na batas ang mga sumusunod:
“Section 5. Release on Recognizance as a Matter of Right Guaranteed by the Constitution. – The release on recognizance of any person in custody or detention for the commission of an offense is a matter of right when the offense is not punishable by death, reclusion perpetua, or life imprisonment: Provided, That the accused or any person on behalf of the accused files the application for such:
(a) Before or after conviction by the Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court, Municipal Trial Court in Cities and Municipal Circuit Trial Court; and
(b) Before conviction by the Regional Trial Court: Provided, further, That a person in custody for a period equal to or more than the minimum of the principal penalty prescribed for the offense charged, without application of the Indeterminate Sentence Law, or any modifying circumstance, shall be released on the person’s recognizance.”
Ang karapatan ng akusado na makalaya sa pamamagitan ng Release on Recognizance ay ginagarantiya ng ating Saligang-Batas bago at matapos na siya ay mahusgahan ng Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court, Municipal Trial Court in Cities at Municipal Circuit Trial Court at bago ibaba ang hatol ng Regional Trial Court. Kinakailangan lamang na mapatunayan nitong hindi siya makapagpiyansa dahil sa lubos na pagkahikahos sa buhay. (Section 3, R. A. No. 10389).
Malinaw din sa mga nakasaad sa itaas na ang taong nasa kustodiya ng haba ng panahon na katumbas o mas matagal pa sa minimum ng pangunahing kaparusahan ng krimen, kung saan ang akusado ay nahahabla at hindi gagawaran ng aplikasyon ng Indeterminate Sentence Law ay maaari ring makalaya sa pamamagitan ng probisyon ng Recognizance Act of 2012.
Subalit ang karapatang makalaya pansamantala sa pamamagitan ng “recognizance” ay hindi maaaring hilingin ng mga sumusunod:
(a) The accused bad made untruthful statements in his/her sworn affidavit prescribed under Section 5 (a);
(b) The accused is a recidivist, quasi-recidivist, habitual delinquent, or has committed a crime aggravated by the circumstance of reiteration;
(c) The accused had been found to have previously escaped from legal confinement, evaded sentence or has violated the conditions of bail or release on recognizance without valid justification;
(d) The accused had previously committed a crime while on probation, parole or under conditional pardon;
(e) The personal circumstances of the accused or nature of the facts surrounding his/her case indicate the probability of flight if released on recognizance;
(f) There is a great risk that the accused may commit another crime during the pendency of the case; and
(g) The accused has a pending criminal case which has the same or higher penalty to the new crime he/she is being accused of. (Section 7, R. A. No. 10389).
Ang kustodiya ng akusadong kuwalipikado at pinayagan ng hukuman matapos magsumite ng aplikasyon ay maaaring igawad sa kuwalipikadong miyembro ng barangay, siyudad o munisipyo, kung saan ang akusado ay nakatira. Ang custodian ang maggagarantiya na ang akusado ay magpapakita sa hukuman kung siya ay kinakailangang humarap dito. At upang pasiguruhang masusunod ang garantiyang ito, kinakailangang mayroong gagawing Undertaking ang taong bibigyan ng kustodiya na responsibilidad niya ang pasiguruhan na ang akusado ay magpakita sa hukuman kung ang kanyang presensiya ay kinakailangan. Ang nabanggit na pangako ay magiging kaparte ng aplikasyon ng akusado. Ang hindi pagtupad sa nasabing garantiya at responsibilidad ay may kaparusahang pagkakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon, matapos ang angkop na patawag at kung ang hindi pagsipot ng akusado ay hindi makatarungan (Section 9, Ibid.)
Marami ang itinalagang alituntunin ng batas para sa ganitong uri ng piyansa at ito ay sinusuri nang maigi ng husgado. Mabigat din itong responsibilidad ng taong bibigyan ng kustodiya kaya nararapat na ang akusadong mabibiyayaan ng ganitong karapatan ay marapat na tumalima sa mga alituntunin nito.





atty ano po ba ang dapat gawin ng isang pdl sa kaso nya na reclution perpectua na binigay sa kanya at umamin na man sya sa nagawa nya