top of page

Karapatan at insentibo ng mga nangangalaga sa mga PWD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 12, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Malimit nating nakikita ang mga karapatan na iginagawad ng ating batas sa ating mga kapwa mamamayan na mayroong kapansanan o ang mga tinatawag nating mga persons with disability (PWDs). Ngunit paano naman ang mga taong nangangalaga sa kanila? May mga karapatan din kaya sila na ibinabahagi ng batas?


Ayon sa Republic Act (R.A) No. 7277, na inamyendahan ng R.A No. 10754 o mas kilala sa titulong “An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability (PWD)”, ang mga taong nangangalaga sa isang PWD o gumagastos para sa funeral o burial expenses ng isang namatay na PWD ay may karapatan katulad ng mga sumusunod:


“SEC. 32. Persons with disability shall be entitled to:


(a) At least twenty percent (20%) discount and exemption from the value-added tax (VAT), if applicable, on the following sale of goods and services for the exclusive use and enjoyment or availment of the PWD: xxx


(8) On funeral and burial services for the death of the PWD: Provided, that the beneficiary or any person who shall shoulder the funeral and burial expenses of the deceased PWD shall claim the discount under this rule for the deceased PWD upon presentation of the death certificate. Such expenses shall cover the purchase of casket or urn, embalming, hospital morgue, transport of the body to intended burial site in the place of origin, but shall exclude obituary publication and the cost of the memorial lot. xxx


SEC. 33. Incentives. – Those caring for and living with a PWD shall be granted the following incentives:


(a) PWD, who are within the fourth civil degree of consanguinity or affinity to the taxpayer, regardless of age, who are not gainfully employed and chiefly dependent upon the taxpayer, shall be treated as dependents under Section 35(b) of the NIRC of 1997, as amended, and as such, individual taxpayers caring for them shall be accorded the privileges granted by the Code insofar as having dependents under the same section are concerned;”


Kung ating pagninilayan ang mga nabanggit na probisyon ng batas, ang taong nagbayad para sa funeral services at burial expenses ng isang namayapang PWD ay maaaring makakuha ng 20% discount na para sa namatay na PWD.  Kinakailangan lamang na maipresenta nito ang death certificate ng huli para mabigyan siya ng nabanggit na 20% na diskwento. Kasama sa diskwentong ito ang ibinayad sa ataul o (urn), pang-embalsamo, hospital morgue at pagbiyahe ng katawan ng namatay na PWD patungo sa lugar na paglalagakan nito. Hindi nga lang kasali sa diskwento ang obituary publication at ang presyo ng memorial lot.


Malinaw rin sa mga nabanggit na probisyon na mayroong insentibo na ipinagkakaloob ang estado sa mga nangangalaga ng mga PWDs, sapagkat ikinokonsiderang dependent ng isang taxpayer ang isang walang trabahong PWD at lubos na umaasa sa suporta ng nangangalagang taxpayer. Kinakailangan lamang na ang PWD ay kaanak hanggang sa ikaapat (4th) na antas ng pagkakamag-anak (consanguinity) o pagkakaugnay (affinity) ng taxpayer.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page