top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Karagdagang allowance para sa mga guro

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2024
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 12, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Ako ay naglilingkod bilang isang guro sa pampublikong paaralan. Nabalitaan ko na magkakaroon diumano ng karagdagang allowance ang mga guro. Totoo ba ito? Kung oo, magkano ito at para saan ang nasabing allowance? – Kirsten



Dear Kirsten,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Republic Act (R.A.) No. 11997 o mas kilala bilang ‘Kabalikat sa Pagtuturo Act.’ Ayon sa Sec. 4 ng nasabing batas, ang mga guro sa pampublikong paaralan ay makatatanggap ng allowance na nabanggit sa baba:


SEC. 4. Teaching Allowance. – All public school teachers shall be granted a Teaching Allowance for the purchase of tangible or intangible teaching supplies and materials, the payment of incidental expenses, and the implementation or conduct of various learning delivery modalities in the total amount of Five thousand pesos (P5,000.00) per teacher for School Year 2024-2025; and Ten thousand pesos (P10,000.00) per teacher for School Year 2025-2026 and thereafter.


The Teaching Allowance shall not be subject to income tax.”


Sang-ayon sa nasabing batas, ang mga guro ay pagkakalooban ng teaching allowance na nagkakahalaga ng Php 5,000.00 para sa school year 2024-2025 at Php 10,000.00 mula school year 2025-2026 at sa mga susunod pa. Ang nasabing allowance ay magagamit ng mga guro para sa pagbili ng mga teaching supplies, pambayad ng incidental expenses, at pantulong sa iba’t ibang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa mga estudyante.


Ang karagdagang allowance na ito ay ipinagkaloob ng ating pamahalaan bilang pagkilala at tulong sa mga guro upang maging mas epektibo sila sa kanilang pagtuturo at masiguro ang kalidad ng edukasyon na kanilang ibinibigay.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page