top of page
FRANKLY - MARTIN, FEELING PINARUSAHAN NI LORD KAYA NAGKAANAK NG SPECIAL CHILD-FB Martin Ni

Kapwa senador, kakasuhan ng plunder… SEN. ROBIN: SEN. MARCOLETA, ‘WAG SANANG MAGING BIKTIMA NG MARUMING PAGHIHIGANTI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 3, 2026



Robin Padilla at ROdante Marcoleta - INC Radio SS

Photo: FB / INC Radio



“We are one!” ang bungad ni Mariel Rodriguez-Padilla sa post niya sa kanyang Facebook (FB) account kagabi dahil isa siya sa mga nakiisa sa ginanap na pagtitipon ng Iglesia ni Cristo (INC) sa People Power Monument along EDSA, Quezon City.


Ang nasabing pagtitipon ng mga kapatid sa INC ay bilang suporta kay Sen. Rodante Marcoleta, na kakasuhan ng plunder at indirect bribery complaint mula sa Office of the Ombudsman before the Sandiganbayan.


Isa pang dahilan ng rally ay para sa transparency, accountability, justice, and peace.

Ayon sa misis ni Sen. Robin Padilla, gustung-gusto ng senador na dumalo sa nasabing pagtitipon pero hindi kaya ng schedule nito kaya siya ang pinakiusapang dumalo bilang representante.


Buong pahayag ni Mariel, “Robin really, really wanted to be there but couldn’t make it. He rarely asks me to represent him because he usually doesn’t involve me when it comes to politics. But this was a very special case, so he asked me to go on his behalf.”

Kaso, hindi rin naman nakaakyat ng entablado si Mariel dahil pinaalis na ang mga kapatid sa INC dahil walang kaukulang permit.


“When I arrived, I was no longer able to go on stage because the permit had been revoked. Even so, this is what Robin wanted me to say on his behalf.


“Sumainyo po ang kapayapaan. Una po sa lahat, nandito po ako ngayon para makiisa sa inyong lahat.


“We are one! Nandito rin po ako para iparating ang mensahe ng aking asawa dahil ‘di rin po n’ya kayang manahimik.


“Nandito po ako para iparamdam sa lahat ng nagmamahal at nagmamalasakit kay Sen. Rodante Marcoleta na ‘di kayo nag-iisa. Kasama n’yo ako. We are one!


“Mula sa pinakaumpisa, alam ng Diyos kung gaano kalaki ang suporta ko kay Ka Rodante. In fact, ikinampanya ko s’ya nang walang hinihintay na kapalit, buong puso, buong lakas, at may full trust. Gusto ko pong linawin, ‘di ko ‘to ginagawa dahil lang kandidato s’ya ni Tatay Digong. Ipinaglalaban ko si Ka Rodante dahil sa mga prinsipyo n’ya… mga prinsipyo para sa kapakanan ng ating bayan.


“Walang ibang abogado at senador na katulad n’ya. ‘Di n’ya pinahihirapan ang mga ordinaryong Pilipino; ‘di n’ya tayo niraratrat ng mga salitang mahirap intindihin. Sa halip, ipinapaliwanag n’ya sa atin ang batas nang may pagmamalasakit.


“He is so humble, walang kayabangan sa katawan. Pinipilit n’yang ibaba sa masa ang tunay na pakinabang at katarungan ng mga batas ng ating republika.


“Makatao at totoong maka-Pilipino si Sen. Marcoleta. Kaya masakit na makitang ginigipit ang isang katulad n’ya.


“Pakiusap, ‘wag sana s’yang pigilan sa kanyang mga adbokasiya, lalo na sa paghahabol sa mga taong nagpapasasa sa pondo ng bayan.


“‘Wag sana s’yang maging biktima ng maruming paghihiganti sa magulong mundo ng pulitika. Kailangan ng mga Pilipino ang kanyang boses sa Senado.


“Isang boses na ‘di nababayaran, walang kinakatigang partido, kundi ang interes lang ng mga kababayan nating umiiyak at naghahanap ng hustisya at accountability. Kaya ngayon, buong-puso akong nakikiisa sa inyong lahat.


“We are one! One in the name of God! One in the name of our country! One in the name of the Filipino people! One in the name of honesty, integrity, and accountability!


“Hiyang-hiya na po ang bansa natin. ‘Di po ito ang tamang time para mamulitika.

“This is the time para harapin ang katotohanan. Hayaan nating ilabas ni Sen. Rodante Marcoleta ang katotohanan para sa kalinawan, kapayapaan at katahimikan nating lahat. Maraming salamat po. Mabuhay!”


Habang isinusulat namin ang balitang ito, nagpunta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang mga miyembro ng INC upang doon ituloy ang kanilang pagtitipon matapos bawiin ang kanilang permit sa lungsod ng Quezon City.





MATAPOS ang sunud-sunod na anunsiyo ng ABS-CBN na mapapanood ang Sigabo ni Coco Martin, Everybody, Sing! (ES), at Kapamilya Deal or No Deal (KDOND) sa TV5, marami ang nagtatanong, may kasunod pa kaya?


Kung ang mga nakausap ko ang paniniwalaan, mukhang hindi pa rito nagtatapos ang mga collaboration sa TV industry. Pero higit pa sa kung ano ang susunod na proyekto, mas interesante ang mas malaking kuwento sa likod ng mga pangyayaring ito.


Unti-unti nang nagbabago ang paraan ng paghahatid ng mga programa sa mga manonood.


Noong araw, halos kani-kanyang laban ang mga TV network. Ngayon, mas mahalaga nang maihatid ang mga programa sa mas maraming manonood.


“Malinaw ang isang TV network sa isang probinsya, pero wala naman sila sa ibang probinsya. Paano sila makakanood? Kaya kailangan may ibang TV network na may signal sa lugar na ‘yun para mapanood ng mga tao ang kanilang paboritong programa. Marami ring lugar sa probinsya ang mahina ang internet,” chika sa amin.


Oo nga naman, hindi naman mahirap unawain kung bakit. Hindi na lang kasi ang mga lokal na network ang magkakalaban. Ang mga palabas online at sa Netflix ay nakakaagaw din ng mga viewers.


Well, pati ang pelikulang Pilipino ay nararanasan din ito. May mga pelikulang nagiging blockbuster pa rin, pero marami rin ang nahihirapang makahikayat ng manonood. 


Ganito rin ang hamon sa telebisyon, patuloy na gumawa ng mga programang gusto ng publiko habang nagbabago ang paraan ng panonood.


Kaya hindi na rin nakapagtataka kung mas madalas nang makakita ng mga collaboration sa industriya. Hindi lang ito tungkol sa mga network. Tungkol ito sa paghahanap ng mga paraan para mas maraming Pilipino ang manatiling konektado sa mga programang kanilang sinusubaybayan.


Kapag available ang mga programa sa iba’t ibang channels at platforms, mas maraming manonood ang nagkakaroon ng pagkakataong mapanood ang kanilang mga paboritong palabas.


Sa huli, mukhang ang tunay na panalo ay ang manonood. Habang patuloy na nagbabago ang entertainment industry, ang pinakamahalaga ay nananatiling abot ng mga Pilipino ang mga programang nagbibigay sa kanila ng balita, aliw, at inspirasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page