top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kaparusahan kapag ginamit ang expired na lisensiya

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 8, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 08, 2021



Dear Chief Acosta,

Ginagamit ng pinsan ko ang kanyang lisensiya bilang “marine deck officer” kahit ito ay expired na. Hindi naman diumano ito sinisita ng kanyang employer. Nais ko sanang malaman kung ano’ng kaparusahan ang maaaring maipataw sa kanya kapag nahuli siya? – Nelly


Dear Nelly,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R. A.) No. 8544, o mas kilala sa tawag na Philippine Merchant Marine Officers Act of 1998. Nakasaad sa Section 35 ng nasabing batas ang sumusunod:


“Section 35. Penal Provision. A fine of not less than Twenty thousand pesos [P20, 000] nor more than one hundred thousand pesos [P100,000] or imprisonment for a period of not less than one [1] year nor more than six [6] years or both such fine and imprisonment, at the discretion of the court shall be imposed upon:


[d] Any person who shall use a revoked or suspended certificate of registration and/or invalid or expired professional license.” (Binigyang-diin).


Ayon sa nasabing batas, ang sinumang gumamit ng revoked o suspendidong certificate of registration at/o hindi balido o expired na lisensiya ay maaaring maparusahan ng multa na hindi bababa sa P 20, 000 hanggang P100, 000 o pagkakakulong ng isang (1) taon hanggang anim (6) na taon. Maaaring maipataw ang parehong kaparusahan batay sa diskresyon ng korte.


Samakatwid, ang inyong pinsan ay maaaring maparusahan alisunod sa nabanggit na probisyon ng batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page