Search
  • BULGAR

Kapangyarihan ng ministro o pastor na magdaos ng kasal

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 04, 2021



Dear Chief Acosta,

Nagpaplano nang magpakasal ang aking anak. Hindi naman kami tutol dito dahil nasa hustong gulang na rin sila ng kanyang nobyo. Ang concern ko lamang ay nais ng kanyang mga magiging biyenan na ikasal sila sa ministro o pastor ng kanilang relihiyo. Maaari ba iyon? Wala kasi kaming gaanong alam sa batas, at ang alam ko kasi sa pari lamang ikinakasal o sa huwes. – Asyong


Dear Asyong,

Alinsunod sa Family Code of the Philippines, walang partikular na seremonya ang kinakailangan sa kasunduan ng kasal. Ang mahalaga lamang ay kapwa personal na haharap ang mga partido na nais magpakasal sa magbabasbas ng kanilang kasal at ipahahayag nila sa harap ng hindi bababa sa dalawang testigo na tinatanggap nila ang isa’t isa bilang mag-asawa. Para sa kaalaman ng lahat, nakasaad sa Article 6 ng naturang batas ang sumusunod:


“Art. 6. No prescribed form or religious rite for the solemnization of the marriage is required. It shall be necessary, however, for the contracting parties to appear personally before the solemnizing officer and declare in the presence of not less than two witnesses of legal age that they take each other as husband and wife. This declaration shall be contained in the marriage certificate which shall be signed by the contracting parties and their witnesses and attested by the solemnizing officer.


x x x”


Nakasaad din sa Article 7 ng nasabing batas kung sinu-sino ang mga kinikilalang solemnizing officers na maaaring magkasal:


“Art. 7. Marriage may be solemnized by:


1. Any incumbent member of the judiciary within the court's jurisdiction;


2. Any priest, rabbi, imam, or minister of any church or religious sect duly authorized by his church or religious sect and registered with the civil registrar general, acting within the limits of the written authority granted by his church or religious sect and provided that at least one of the contracting parties belongs to the solemnizing officer’s church or religious sect;


3. Any ship captain or airplane chief only in the case mentioned in Article 31;


4. Any military commander of a unit to which a chaplain is assigned, in the absence of the latter, during a military operation, likewise only in the cases mentioned in Article 32;


5. Any consul-general, consul or vice-consul in the case provided in Article 10.”

(Binigyang diin)


Kaugnay nito, maaaring magpakasal ang inyong anak at ang kanyang nobyo sa ministro o pastor ng relihiyon ng huli kung ang naturang ministro o pastor ay awtorisado ng kanilang simbahan o relihiyon at rehistrado upang magkasal.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.