Kapalpakan, isinisi sa intern sa team niya… JOLO, NA-WOW MALI, IMBES SI LAPU-LAPU, SI MAGELLAN
ANG BINIGYAN NG TRIBUTE
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 29, 2021

Kaagad humingi ng dispensa si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa maling post niya sa kanyang Facebook page last Tuesday, April 27.
Sa kanyang post na deleted na ngayon, nagbigay-tribute at inalala ni Jolo ang makasaysayang Battle of Mactan na naganap noong April 27, 1521. Kaya lang, sa halip na si Lapu-Lapu ay si Ferdinand Magellan ang kanyang binigyan ng kredito.
Ang nakasaad sa art card na ipinost ni Jolo ay “Isang pagsaludo sa kagitingan ng isa sa mga unang bayani ng bayan na si Ferdinand Magellan na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kalayaan 500 taon na ang nakaraan.
“April 27, 500th Anniversary of the Victory at Mactan.”
Sa art card ay makikita rin ang monumento ni Lapu-Lapu.
Si Lapu-Lapu ay isang datu ng Mactan sa Vizayas at siya ang ating first Filipino hero. Siya ang tumalo at pumatay kay Magellan (na isang Portuguese explorer) sa nasabing historic Battle of Mactan.
Good thing, naglabas agad ng apology statement si VG Jolo nang ma-realize ang pagkakamali.
“I apologize for the earlier confusing post on our celebration of Lapu-Lapu's victory in Mactan 500 years ago.
“An intern in our social media team posted the caption to our meme without first clearing it.
“Again, my sincerest apologies to our Cebuano kababayans and to all Filipinos,” ang post ni Jolo.
Naintindihan naman si VG ng mga netizens at tinanggap ang kanyang apology. Pinuri rin nila ang aktor-pulitiko na in-acknowledge nito ang pagkakamali.
“Apology accepted Vice-Gov.. and thanks for being polite... and I salute you for accepting mistake.. nobody's perfect in this world. Stay safe and God bless you always,” pahayag ng isang netizen.





Comments