top of page
Search
  • BULGAR

Kapalmuks na mga opisyal ng gobyerno...

Nagagawang mag-enjoy sa kabila ng sunud-sunod na trahedya, buwisit!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 16, 2020



ANG TAAS NG RATING NI P-DUTERTE SA FALSE, ESTE PULSE ASIA TAPOS MAY #OUSTDUTERTEMatapos magkasunod na mag-trending ang #NasaanAngPangulo ay nagte-trending naman ngayon sa social media ang #OustDuterte dahil naman sa mabagal na pagtugon ng Duterte gov’t. para i-rescue ang libu-libong nating kababayan na na-trap sa baha sa Cagayan at Isabela.


Ang sakit sa damdamin ng mga DDS ‘yan kasi ang taas ng marka, 91% rating survey kaloob ng false, este Pulse Asia kay P-Duterte tungkol sa pamamahala nito sa bansa, tapos may nagte-trending na #OustDuterte, boom!

◘◘◘

DELIKADO ANG #OUSTDUTERTE, MAS SAFE ANG #NASAANANGPANGULODapat tantanan ng mga netizens ang pagpo-post ng #OustDuterte dahil mapanganib ‘yan, na baka sila ay i-red-tagged nina military Gen. Antonio Parlade, PCOO (Presidential Communication Operation Office) Usec. Lorraine Badoy at Mocha Uson kasi ang tingin nila sa mga pumupuna sa kapalpakan at maling polisiya ng gobyerno ay mga terorista.


Mas ok, mas safe ang #NasaanAngPangulo kasi hindi sila puwedeng bansagang terorista, dahil hinahanap lang naman ang nila si P-Duterte, period!

◘◘◘

BOLADAS NINA P-DUTERTE AT SPEAKER VELASCO, “MATATAG ANG PINOY SA PAGHARAP” SA UNOS AT KRISIS—Magkasunod na sinabi nina P-Duterte at Speaker Lord Allan Velasco na kaya bumangon ang mga Pinoy mula sa pagkalugmok dahil matatag ang mga Pilipino.


Ang ganyang uri ng statement ay pamboboladas sa publiko para pagtakpan ang kapalpakan ng gobyerno sa pagtugon at pagharap sa mga krisis na tumatama sa bansa, period!


◘◘◘


HABANG NASA GITNA NG PANGANIB, MAY MGA GOV’T. OFFICIALS NA “HAPPY” SA TSIBOG AT BIRTHDAY—Sa panahong nag-iiyakang nananawagan sa national at local governments ang libu-libo nating kababayan na i-rescue sila dahil na-trap sila sa baha sa Cagayan at Isabela ay nag-post sa social media si Presidential spokesman Harry Roque na masayang kumakain kasama ang kanyang misis at nag-post din ang anak ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na masaya itong nag-celebrate ng kanyang birthday sa Batangas.


Ilang gov’t. officials pa kaya ang ganyan, na pasarap sa buhay habang nasa gitna nang panganib ang mga Pinoy? Buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page