top of page
Bea Alonzo - IG.jpg
Search

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 30, 2022


HILING NG ACT PARTYLIST NA GAWING AYUDA ANG CONFIDENTIAL FUNDS, SANA PAKINGGAN—Ngayong malapit na ang Pasko, biglang taas ang presyo ng mga bilihin, kaya't nanawagan si ACT (Association of Concerned Teachers) partylist Rep. France Castro kina Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Vice-Pres. Sara Duterte-Carpio, na ang kanilang confidential funds ay i-realign na lang na pang-ayuda sa maralitang Pinoy, na kung sasang-ayunan ng pangulo at bise-presidente ay magkakaroon ng tig-P10-K ang poorest of the poor sa bansa.


Sana ay pakinggan nina P-BBM at VP Sara ang hiling ni Cong. Castro para naman maging happy ang Pasko ng mga maralitang Pinoy.


◘◘◘


KAPAKANAN ANG NASA ISIP NG MAKABAYAN BLOC, PORK BARREL NAMAN INAALALA NG MGA PARTYLIST—Sa totoo lang, ang ganda ng mga panukala ng mga partylist na kaanib ng Makabayan bloc na kinabibilangan ng ACT, Gabriela at Kabataan kasi bukod sa panawagang gawin na lang pang-ayud ang confidential funds, sila rin ang nagpanukala na tanggalin muna ang 12% VAT sa singil sa kuryente, tubig, toll fee at presyo ng tinapay, noodles, asukal, mantika, de-lata at laundry soap upang kahit paano'y maibsan ang hirap ng mamamayan ngayong matindi ang krisis.


Sana lahat ng partylist representatives sa Kongreso ay tulad ng Makabayan bloc na kapakanan ng mamamayan ang iniisip, pero ang nasa isip ng ilang representante ng mga partylist groups ay pork barrel.


◘◘◘


GOOD NEWS NA LUMAKAS ANG PISO KONTRA DOLYAR AT MAY OIL PRICE ROLLBACK PA, PERO ANG BAD NEWS AY MATAAS PA RIN ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN—Magkasunod na good news ang paglakas ng halaga ng piso kontra sa dolyar at may rollback pa sa presyo ng langis.


Pero may bad news, mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin at bayarin.


◘◘◘


"PAGHAHANAP SA PANGULO", BAKA GAWING CRIMINAL CASE NI SEN. ROBIN PADILLA—Para kay Sen. Robin Padilla, "national threat" ang "paghahanap sa pangulo", kapag hindi ito nakikita, lalo na sa panahong may pananalasa ng kalamidad sa bansa.


Nakupo, ngayong senador na si Padilla, baka gumawa 'yan ng panukalang batas na sampahan ng kasong kriminal ang mga netizens na magpo-post ng #NasaanAngPangulo", lalo na kapag may bagyo, sakuna, etc.


 
 

ni Ka Ambo - @Bistado | April 14, 2021



Lumutang na si P-Digong.


Malat ang boses at mabagal magsalita.


Mahalaga ay buhay na buhay siya.


Ganun lang ‘yun!


◘◘◘


DAHIL nawala nang dalawang linggo si P-Digong, nabuhay din nang todo ang mga tsimoso’t tsismosa sa social media.


Pinagpiyestahan ang taguan-pong ni P-Digong!


◘◘◘


IKINALAT agad ang #NasaanAngPangulo” nang ikansela at ireiskedyul ang regular na Talk to the People” segment.


Sumabay ang “Bayanihan E-Konsulta” naman ni VP Leni.


Ang dalawang isyung ‘yan ang bumabad sa social media sa mga nagdaang araw!


◘◘◘


HINDI malaman kung sino ang nagtitimon sa gobyerno dahil halatang wala sa maayos na kondisyon ang porma ni P-Digong sa huling “press conference”.


Sunud-sunod ba namang tinamaan ng COVID virus ang kanyang mga ayudante.


Hindi ba sila sumusunod sa protocol na dapat sila mismo ang maging modelo?


Nadadamay tuloy si P-Digong sa patutsada at intriga!


◘◘◘


NAKA-ISOLATE kasi ang Defense Secretary na si Delfin Lorenzana; nagpaospital mismo ang presidential spokesperson na si Harry Roque.


Matagal nang hindi nagpapakita ang DILG Secretary na si Eduardo Año at umamin ding na-COVID mismo ang PNP chief na si Debold Sinas.


Ano ba ‘yan, bakit sila missing-in-action?


◘◘◘


IBINABALA ang pagtindi ng COVID kaya’t pinutakti ng mga netizen ang libreng konsulta gamit ang online signal saa Bayanihan E-Konsulta Facebook Page.


Sinuman ang magmensahe gamit ang selpon at free data ay agad ikokonek ng OVP ang pasyente sa partner volunteer doctors.


Bagong inobasyon ito para matulungan ang mga nagkakasakit!


◘◘◘


ISINABAY na rin ang swab cab—mobile COVID testing initiative na dinadala sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID.


Ang swab testing machine ay ilalapit sa may sakit imbes ang pasyente ang pumunta sa diagnostic center!


◘◘◘


NAMIMIGAY din ang OVP ng libreng COVID Care Kits upang matulungan ang mga may sintomas ng COVID at mga nagpopositibo sa naturang virus.


Sa kagustuhan na mabilis na masugpo ang pandemic, nakikituwang na rin ang OVP sa Malacañang upang maresolba agad ang krisis at makabalik sa normal ang publiko!


◘◘◘


SA paglipas ng panahon, hahatulan ng kasaysayan ang kasalukuyang administrasyon kung ano ang kanilang nagawa sa “panahon ng COVID” at “kung ano rin ang kanilang kahinaan”.


Panahon ang hahatol kung nagawa bang magtulungan ang administrasyon at oposisyon sa panahon ng krisis!


◘◘◘


MATUTUKOY sa kasaysayan kung sino ang nagtulug-tulugan at sino ang hindi natutulog sa pagtulong sa mga biktima.


Isang taon na lamang ang nalalabi sa termino nina P-Digong at VP Leni.


Ang kasaysayan ang hahatol sa kanilang performance, wala nang iba pa!

 
 

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 21, 2020



KUNG MAKA-REACT ANG MALACAÑANG SA #NASAANANGPANGULO PARANG MAGUGUNAW NA ANG MUNDO—Dinipensahan ni Presidential spokesman Harry Roque si P-Duterte kaugnay sa national address nito na nahaluan ng mga banat kay Vice-Pres. Leni Robredo.


Aniya, nasanay ang mamamayan sa estilo ng pangulo at patunay daw riyan ang marka ng Pulse Asia na 91% approval rating sa Pangulo.


Sa 91% approval rating na ‘yan na ibinida ni Roque ay 5% pa ang undecided, kaya’t lumalabas na 4% lang ng Pinoy ang naki-trend sa #NasaanAngPangulo pero ang nakapagtataka, kung makapag-react ang mga taga-Malacañang ay parang magugunaw na ang mundo, boom!

◘◘◘

PAGTULONG DAPAT ANG ATUPAGIN NG GOV’T. HINDI PAG-POKUS SA TWEET NG ROBREDO SISTERS—Tirada ni Roque, base raw sa nakita nilang tweets sa Twitter ng mga anak ni VP Leni ay sangkot ang mga ito sa nagpa-trend sa social media ng #NasaanAngPangulo.


Hay nako, imbes na ang tutukan ng gobyerno ay pagtulong sa mga kababayan nating hanggang ngayon ay apektado ng magkasunod na Bagyong Rolly at “Ulysses” ang tinutukan ay ang mga tweet sa Twitter ng Robredo sisters, buwisit!

◘◘◘

KUNG WALANG ITINATAGO, WALANG DAPAT IKATAKOT SI CAYETANO—Hinamon ni dating Speaker Alan Cayetano, head ng Philippine Sea Games Organizational Committee (Phisgoc) na siyang namahala sa 2019 SEA (Southeast Asian Games), si Sen. Rosa Hontiveros na nagsusulong na imbestigahan ito (Phisgoc), na mag-resign ang senadora kapag napatunayang walang naganap na katiwalian dito.


Ganito lang ‘yan, kung wala talagang katiwaliang ginawa ang Phisgoc, hayaan ni Cayetano na umusad ang imbestigasyon at wala siyang dapat ikatakot, period!


◘◘◘


SABLAY ANG BANTA NI P-DUTERTE NA TANGGALAN NG PONDO ANG UP—Banta ni P-Duterte, tatanggalan niya ng pondo ang UP (University of the Philippines) dahil sa paglahok ng mga estudyante nito sa panawagang academic break kaugnay sa isyung kapabayaan ng gobyerno sa pagharap sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic at mga kalamidad.


Sablay ang sinabing ‘yan ni P-Duterte, kasi hindi naman sa sariling bulsa niya nanggagaling ang pondo ng UP, kundi sa tax ng mamamayan kaya’t wala siyang “K” tanggalan ito ng pondo, boom!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page