Kapalit ni Jameson… BARBIE, IFINLEX ANG BAGONG LALAKI NA PURO TATTOO
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 23, 2026

Photo: IG _teamviceph
Pumapag-ibig na nga ba uli ang Kapuso actress na si Barbie Forteza?
Last Thursday night, nag-post ang aktres ng picture habang may ka-date na isang guy.
Pero tulad nina Sanya Lopez at Carla Abellana, may tattoo na braso lang ng guy ang ipinakita ni Barbie at hindi ang mukha ng kanyang ka-date.
Naiintriga tuloy ngayon ang mga fans ni Barbie at todo-research sila kung sino ang may ganu'ng tattoo sa braso.
Kung matatandaan, si Jameson Blake ang huling na-link kay Barbie after ng breakup nila ng longtime boyfriend na si Jak Roberto.
Pero hindi nga nauwi sa seryosong relasyon ang sa kanila ni Jameson dahil ang feeling ni Barbie ay pa-fall lang ito.
Well, tingnan natin kung hanggang saan aabot ang bagong pag-ibig ni Barbie Forteza.
Todo-pakiusap sa cameraman na ‘wag kunan ang tiyan… JOSHUA. ATRAS MAGPAKITA NG KATAWAN
NATAWA na lang si Joshua Garcia sa kumalat na topless photo niya para sa kanyang ineendorsong liniment na AI generated naman pala.
Aminado ang aktor na usung-uso na talaga ‘yan ngayon at hindi lang siya ang nabiktima.
Pero aminado ang bidang aktor ng Prime Video series na Love Is Never Gone na hindi talaga siya komportableng ipakita ang kanyang skin kahit pa may love scene sila ng katambal niyang si Ivana Alawi sa naturang serye.
Nangingiting sabi ni Joshua, “Actually, ‘di ako comfortable showing my skin and body pero du'n nanggagaling ‘yung pagiging aktor mo. Uncomfortable talaga. Ang hirap nu'n, ha?”
Kuwento nga niya, “Everytime may love scene kami, kinakausap ko ‘yung mga cameramen namin. ‘Oy, iwasan mo ‘yung tiyan ko. ‘Yung shot mo, dito lang banda (chest).’ Naririnig ko si Direk, eh, ‘Ibaba mo ‘yung angle mo. Ibaba mo pa!’ ‘Di niya ibinababa, talagang matibay siya. ‘Sabi kasi ni Joshua, eh!’” na ikinatawa ng press at mga vloggers sa ginanap na Spotlight mediacon para sa magaling na aktor.
Mabait naman daw ang direktor nila sa serye at inaalalayan sila.
Samantala, tinanong din namin si Joshua kung may mga natuklasan pa siyang ugali ni Ivana sa pagpapatuloy ng shooting nila rito sa Manila matapos ang pagsasama nila sa Morocco kung saan kinunan ang mga first few episodes ng Love Is Never Gone.
Napaisip sandali ang aktor at umaming meron naman pero hiniling nito na sa kanilang dalawa na lang daw ‘yun.
Naku, ha? May secret pala sila ni Ivana, kaya pala close na close na sila ngayon.
Samantala, patuloy na napapanood ang Love Is Never Gone sa Prime Video kung saan every Friday ipinapalabas ang bagong episode nito.
Kasama rin sa serye sina Michael de Mesa, Ms. Dina Bonnevie, Ara Mina, Epy Quizon, Jameson Blake, JM Ibarra at Fyang Smith at marami pang iba.

