Kapalit ni Anne sa show… VICE KAY KIM: ANG PANGIT MAG-HOST!
- BULGAR

- Feb 3, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 3, 2021

Walang kaabug-abog na sinabihan ni Vice Ganda ang co-host nilang si Kim Chiu sa It’s Showtime hinggil sa style nito sa pagho-host.
Ani Vice, ‘ang pangit’ ng style ni Kim sa hosting.
Birong sabi ng TV host-comedian, “Ang pangit ng hosting style ni Kim! But it’s okay. It’s manageable. Hahaha!”
Dahil hindi pa bumabalik si Anne Curtis mula nang manganak ay si Kim muna ang pumalit sa Pinay-Aussie TV host-actress. But lately ay ni-regular na rin nila ang Chinita Princess sa noontime show.
Sinabi naman ni Vice na masaya dahil regular na nilang nakakasama si Kim sa programa.
Pabirong pahabol pang sabi niya, “Sawang-sawa na rin naman ako sa mukha nina Vhong (Navarro) at Jhong (Hilario), hahaha!"
Bandang huli ay nagseryoso na ang TV host-comedian at sabi niya, good addition si Kim sa It’s Showtime. Gusto raw niya ang rapport ng tsinitang aktres tulad ng pagkaaliw niya kay Anne.
Natatawang sabi ni Vice, “'Yun ang masarap na dynamics sa Showtime na walang Anne Curtis… Anne Curtis, na kahit ikaw ang diyosa sa showbiz, isisiwalat ko na ikaw pa rin ang may pinakamalaking bunganga sa showbiz.”
Tulad din daw ni Anne si Kim. At para kay Vice, si Kim ay isang team player at miyembro ng It’s Showtime family.
Binigyan din niya ng advice ang former PBB grand winner na kung nagkakamali man ang chinitang TV host sa hosting ay ‘wag daw mag-alala dahil nakakapagbigay-kasiyahan din daw 'yun sa audience.





Comments