top of page

Kapag wagi ang mga trapo, political dynasty, ibig sabihin dami pa ring bobotante

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 11, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAMI PA RIN BANG BOBOTANTE O KAUNTI NA LANG? -- Election day na. Mamayang gabi ay diyan natin malalaman kung natuto na sa tamang pagboto ang mga kababayan natin.


Kapag natalo ang mga trapo (traditional politician) at political dynasty, ibig sabihin alam na ng mamamayan ang tamang pagboto, pero kapag nagwagi pa rin sila (trapo at ‘Kamag-anak Inc.’) ibig sabihin ay bobotante pa rin sila, boom!


XXX


LALONG TUMAGILID ANG KANDIDATURA NI KIKO PANGILINAN DAHIL SA FAKE NEWS -- Fake news pala ang kumalat sa social media na kapag nanalo ay susuportahan daw ni senatorial candidate, former Sen. Kiko Pangilinan na ma-impeach si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.


Sa totoo lang, kahit fake news iyan ay may epekto ‘yan sa kandidatura ni Pangilinan kasi ang daming Duterte Diehard Supporters (DDS) ang nagalit sa kanya.

Hay naku, hindi na nga makapasok sa top 12 senatorial survey si Pangilinan, tapos dinale pa ng fake news, at dahil diyan lalong tumagilid ang kanyang kandidatura, tsk!


XXX


MAS GUSTO NG MAJORITY PINOY NA IBINOBOTO ANG MGA SIKAT NA KAPAG NANALO ‘NGANGA’ LANG SA SENADO -- Magaganda ang plataporma ng mga hindi popular na kandidato sa pagka-senador, talaga naman at kung susuriin ang kanilang mga sinasabi ay para talaga sa kapakanan ng mga mahihirap ang gusto nilang gawing mga batas sa Senado.


Ang problema, hindi sila sikat kaya malabo silang manalo, dahil ang gustong ibinoboto ng mayoryang Pinoy ay mga sikat na kapag nanalo “nganga” lang sa Senado, boom!


XXX


SANA TULUY-TULOY NA P20/KILONG BIGAS SA KADIWA -- Sa Martes (May 13,2025) sisimulan na raw ng Dept. of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng P20 per kilong bigas sa mga Kadiwa stores sa Metro Manila.


Okey na rin iyan kahit sa mga Kadiwa stores lang, at sana magtuluy-tuloy iyan para sa kapakanan ng mga mahihirap nating mga kababayan, period!




ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page