top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kapag napatunayang guilty sa POGO hub… SEN. LITO, GAME MAGBITIW BILANG SENADOR

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 1, 2024
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 1, 2024



Showbiz News

araming viewers ng Batang Quiapo ang nag-react sa mga maling akusasyon na naglalabasan ngayon kay Sen. Lito Lapid a.k.a. Supremo na kanyang karakter sa serye kaugnay ng kontrobersiyal na POGO hub sa Porac, Pampanga dahil may naninira lang daw sa kanya.


Subok na ang kanyang integridad sa tatlong termino niya bilang gobernador ng Pampanga. Mismong ang mayor ng Porac na si Mayor Jing Capili ang nagsabi at makakapagpatunay na hindi pag-aari ni Sen. Lapid ang 10-hectare land na kinatatayuan ng POGO hub.


Handa raw magbitiw si Sen. Lito sa pagiging senador kung mapapatunayan ang akusasyon sa kanya at pagkakadawit sa mga POGO hub, dahilan kaya siya dumalo sa Senate hearing.


Hindi pinapayagan ng senador na madungisan ang kanyang pangalan sa maling akusasyon ng isang vlogger na umuupak ngayon sa kanya. Nakiusap din siya sa NBI director na si Jaime Santiago na paimbestigahan ang background ng vlogger na nagpapakalat ng fake news laban sa kanya. 


Well, maganda ang record ni Sen. Lito Lapid sa kanyang tatlong termino bilang gobernador ng Pampanga. Kaya ang hiling sa kanya ng mga Cabalen ay bumalik ito sa Pampanga sakaling matapos na ang kanyang pagiging senador. 



So, si Jennylyn Mercado pala ang aktres na naba-blind item na aalis na sa GMA Network at posibleng pumirma ng kontrata sa Kapamilya Network.


Labis itong ikinabigla ng kanyang mga fans dahil ang tagal-tagal na ni Jennylyn sa Kapuso Network. Ito na ang naghubog sa kanyang showbiz career mula pa nang maging Grand Winner sa StarStruck. 


Marami nang nagawang serye si Jen sa Kapuso Network. Huli niyang project ang Love. Die. Repeat. na pinagtambalan nila ni Xian Lim. 


Almost two years din siyang nagpahinga pagkatapos manganak sa panganay nila ni Dennis Trillo.


Well, isa kami sa mga labis na nanghihinayang sa paglisan ni Jennylyn Mercado sa GMA-7. Nasanay na kami na isa siyang Kapuso at isa sa mga pambatong aktres ng network.


Gayunpaman, siguro nga ay may mabigat na dahilan si Jennylyn kung bakit nagdesisyon siyang mangibang network. For sure, hindi naman siya pababayaan ng kanyang management upang muling maibalik ang init ng kanyang career. 


Bukod sa acting, magaling ding kumanta si Jennylyn Mercado. Maaari na niyang tutukan ngayon ang kanyang singing career. 



HINDI lang ang grupong AKTOR PH nina Dingdong Dantes ang nagsusulong upang maging National Artist ang Star for All Seasons na si Vilma Santos. May 26 na grupo o organisasyon din na galing sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang nagno-nominate kay Ate Vi para sa naturang parangal.


Well, marami nang napatunayan ang isang Vilma Santos sa kanyang pagiging alagad ng sining sa loob ng mahigit anim na dekada. Marami na siyang napanalunang acting awards, bukod sa pagkilala sa kanya ng iba’t ibang samahan sa showbiz. 


Maituturing na siyang legend at movie icon tulad din ng Superstar na si Nora Aunor.


Kaya marapat lamang na kilalanin at parangalan siya bilang National Artist. 


Tiyak na hindi ito tututulan ng mga taga-industriya ng pelikula at telebisyon at hindi magiging isyu sakaling tanghaling National Artist si Vilma Santos.



HINDI lang ang Korean actor na si Kim Ji Soo ang bagong character na papasok sa Black Rider sa mga susunod na episodes ng action serye na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.


Maging si Jak Roberto ay may kakaibang role na gagampanan, na tiyak na ikagugulat ng kanyang mga fans. 


Astig ang porma ni Jak sa kanyang guesting sa Black Rider at ang Korean actor naman na si Kim Ji Soo ang magtuturo kay Vanessa (Yassi Pressman) kung paano bumaril. 


Nagka-amnesia ang character ni Yassi kaya hindi niya maalala ang kanyang tunay na pagkatao at pinalabas na anak siya ng pangulo. 


Makikilala kaya ni Vanessa si Elias (Ruru) sa kanilang paghaharap? 

Well, habang nalalapit ang pagwawakas ng Black Rider ay may malalaki pang artista ang papasok at magge-guest. 


Ang Black Rider ang pinakamagastos na serye ni Ruru Madrid na sinuportahan ng GMA Network upang lumutang ang kanyang pagiging action star.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page