Kani-kanyang tell-all sa hiwalayan… KYLIE, KAY JESSICA, ALJUR KAY KORINA
- BULGAR
- Oct 24, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 24, 2021

Tiyak na aabangan ng lahat ang one-on-one interview ni Jessica Soho kay Kylie Padilla sa programang Kapuso Mo Jessica Soho dahil sa kontrobersiyal na issue nila ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.
Bibigyang-linaw ni Kylie ang mga akusasyon sa kanya ng dating mister, ganu'n din ang tungkol sa tattoo artist na nali-link sa kanya ngayon at sinasabing third party sa paghihiwalay nila ni Aljur.
At mukhang may pasabog din si Aljur dahil may balitang sa programa raw ni Korina Sanchez naman siya magsasalita.
Mukhang mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng istorya nina Kylie at Aljur. Ang magiging labanan ng mag-asawa ay tipong "your word against mine”. Kani-kanya sila ng depensa sa kanilang sarili. At ang publiko na ang huhusga kung sino sa kanila ang tama o mali.
Maging ang mga fans nina Kylie at Aljur ay kani-kanyang depensa upang ipagtanggol ang kani-kanilang idolo.
Sa ngayon, hinihintay pa ng lahat ang reaction dito ni Robin Padilla. Kailan kaya magsasalita si Binoe upang tuldukan ang issue nina Kylie at Aljur?
Noon pang unang nabunyag ang diumano'y pambababae ni Aljur ay sinabi na ni Robin Padilla na ayaw niyang makialam sa problema ng mag-asawa. Pareho na silang nasa tamang edad at kung anuman ang naging problema sa kanilang marriage ay sila lang din ang dapat na umayos.
Pakiusap pa ni Binoe kina Kylie at Aljur ay tumigil muna sa social media. 'Wag nang isapubliko ang mga personal nilang away.





Comments