Kani-kanyang pamilya, out daw… KASALANG LUIS-JESSY NU'NG JUNE 27, FAKE NEWS!
- BULGAR

- Nov 6, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 6, 2020

Kamakailan ay nagpahayag si Congresswoman Vilma Santos na excited na siyang magkaapo kina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Gustung-gusto na raw ni Ate Vi na mag-alaga ng baby dahil matagal nang walang bata sa pamilya nila.
Pero nang matanong kung kelan nga ba ang kasal nina Luis at Jessy, ayaw namang pangunahan ng aktres-cong. ang kanyang anak. Naghihintay lang din daw siya kung kelan magsasabi sina Luis at Jessy.
Sa kabila nito, may kumakalat na chika sa social media na diumano, nagpa-secret civil wedding na sina Jessy at Luis noon pang June 27 kasabay ng kanilang 4th anniversary bilang magkarelasyon. Ang tanging kasama lang daw na sumaksi sa kasal ay ang best friend ni Luis.
Kaduda-duda naman ito dahil unang-una, may lockdown ngayon. Pangalawa, bakit naman isisikreto pa nina Luis at Jessy ang kanilang kasal gayung nasa legal age naman na sila at may basbas naman na ng kani-kanilang pamilya ang kanilang pag-iisang-dibdib kung saka-sakali.
Mas gusto naming paniwalaan na fake news lang ito dahil hindi ang tulad nina Luis at Jessy ang magpapa-secret wedding.
At sabi nga ni Luis, kung sakaling makapag-decide na sila, hindi naman nila itatago sa madlang pipol.





Comments