top of page

Kani-kanya ring pabertdey sa bagets… MAX AT PANCHO, 1 TAON PA LANG ANG ANAK, HIWALAY NA

  • BULGAR
  • Jul 9, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | July 09, 2021



Mai-interview this Friday si Max Collins dahil magre-renew siya ng kontrata sa GMA Artist Center. Matatanong na si Max kung ano ang estado ng relasyon nila ng asawang si Pancho Magno, kung bakit hiwalay ang birthday party na ibinigay nila sa anak nilang si Skye na first birthday noong isang araw.


Bakit nga ba kani-kanya sila ng bigay na birthday party sa baby boy nila? Dapat, dahil first birthday ng bata, magkakasama silang tatlo.


Sa bigay ni Max na birthday party sa anak, ginawa ‘yun sa Hilton Manila at sabi ng aktres, “Happy 1st birthday my little racer. Thank you to the suppliers and friends who helped pull his F1-themed party off.”


Walang nakalagay na location sa birthday party na ibinigay ni Pancho kay Skye. Ang theme ng party ay Star Wars at sa isa sa mga karakter ng naturang Hollywood movie kinuha nina Pancho at Max ang pangalan ng baby boy nila.


Marami ang nanghihinayang sakaling hiwalay na nga ang mag-asawa lalo’t bago pa lang silang nagbi-build ng kanilang pamilya at ilang taon pa lang ikinasal.


Umaasa ang mga netizens na maaayos nina Pancho at Max kung anuman ang problema nila. Mas masaya raw kung sa second birthday ni Skye, isa na lang ang party at magkasama sina Max at Pancho.


Speaking of Max, medyo daring ang role nila sa bagong teleserye ng GMA-7 na To Have and To Hold mula sa karakter niyang mai-involve sa same sex relationship daw, hanggang sa mga eksena nila ni Rocco Nacino. Nasilip namin parang may jacuzzi scene silang dalawa na gaganap na mag-asawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page