KALAT NA: ALDEN, NA-SCAM NG P200 M
- BULGAR
- Oct 24, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 24, 2023

Medyo naguguluhan lang kami sa balitang nawalan o na-scam ng almost two hundred million si Alden Richards.
Hindi naman kasi nabalita ito sa mga diyaryo at maging sa news program ng mga networks. At hanggang ngayon, walang follow-up kung ano na ang nangyari sa malaking halaga na nawala kay Alden.
Katulad din kaya ito ng nangyari sa magkasintahang Mikee Quintos at Paul Salas na nag-invest ng P8 M sa isang crypto currency scheme? Ito rin kaya ang dumale kay Alden Richards?
Walang detalye na ibinibigay si Alden tungkol dito pero may naging quotation siyang hindi na baleng nawalan ng pera, may leksiyon naman siyang natutunan sa buhay.




Comments