Kalat na, after 7 yrs… JENNYLYN BUNTIS, KASAL KAY DENNIS, NEXT
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 30, 2021

May lumabas na blind item kamakailan na ang aktres mula sa isang network ay buntis diumano.
Ang agad na naisip ng mga netizens ay si Carla Abellana ang nama-Maritess (read: natsitsismis).
Malapit na kasi siyang ikasal sa fiancé na si Tom Rodriguez, sa Oktubre 23 na.
Pero ang espekulasyon ng ibang netizens, si Jennylyn Mercado ang tinutukoy sa BI.
Mukha namang totoo dahil hindi kumuda ang celebrity couple nang pangalanan sila ng mga netizens.
Hmmm… if ever totoong si Jennylyn ang preggy, pretty sure, masaya ang celebrity couple dahil madaragdagan na ang kanilang mga anak.
Pareho na ring teen-ager ang mga anak nina Jen at Dennis sa kani-kanilang previous partner na sina Patrick Garcia at Carlene Aguilar.
Parehong boys ang anak nila kaya wish ng mga netizens, sana ay girl naman this time.
Heto naman ang mga komento ng mga netizens…
“Una, akala ko si CA ang nasa BI, then si Jen pala."
“Congrats kung totoo!”
“I love this chika! Sana totoo.”
“Na-trigger ako sa "sexy actress", hindi naman ganu'n si Jennylyn, versatile actress siya. Duh!”
“Happy for them, sana, magpakatino na si Dennis."
“Hindi man lang nagpakasal muna. 'Wag sanang magaya kina Paolo (Contis) at LJ (Reyes) 'to.”
“Oo nga, eh. Pangalawang panganay na out of wedlock kung sakali. Sana, naging wiser siya sa second time around.”
“At first, iniisip ko, parang eto na naman na preggy out of wedlock, but then, na-realize ko, sobrang tagal na pala nila and deserve nilang maging happy.”
Oo naman! Seven years together na kaya sina Jennylyn at Dennis!
Nabahala naman ang ilang netizens sa nakita ni Dennis na bubog sa pagkain ni Jen.
“If this is true, mas lalong nakakagalit at nakakabahala 'yung bubog na nakita sa food ni Jen."
“Baka kaya nag-order ng food si Dennis kay Jen kasi nagke-crave na si Jen or siyempre, mas alaga niya kasi buntis nga.”
Anyway, 'wag mabahala ang mga faney nina Dennis at Jen dahil may bago kaming nasagap na tsika na malapit na rin naman daw magpakasal ang celebrity couple.





Comments