top of page
BIDA - ANGEL, NI-LIKE ANG PAG-UNFOLLOW DAW SA KANYA NI MARIEL AT KAY ANNE SA IG-FB Angel L

Kakambal na si Richard, nagtuloy sa pag-arte… MOND, GAME GUMAWA NG BL PROJECT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 19, 2026



FRANKLY - MOND, GAME GUMAWA NG BL PROJECT-IG _mond

Photo: IG _mond



Matagal-tagal ding hindi napanood si Raymond Gutierrez sa local TV dahil for quite some time ay nag-focus siya sa mga negosyo niya at international hosting stints.


Aminado ang kakambal ni Richard Gutierrez na na-miss niya ang TV kaya tinanggap na rin niya finally ang offer ng Bilyonaryo News Channel (BNC) na maging bahagi ng Agenda kasama sina Korina Sanchez, Pinky Webb, and Willard Cheng.


Actually, taong 2024 pa nang unang i-offer ito sa kanya ng BNC subalit tinanggihan niya ito since busy siya nang panahong iyon.


Opisyal nang pumirma si Raymond with BNC kamakailan, followed by a mediacon. Dito natanong siya ng entertainment press kung may posibilidad ba na magkatrabaho sila ng twin brother niyang si Richard ngayong balik na siya sa local TV.


“I would like to interview him here in Bilyonaryo. As in, ‘di pa s’ya nai-interview here, so ‘yun ‘yung isa sa mga goals ko rin na to make Chard appear in Bilyonaryo,” sey ni Mond.

Ayon kay Raymond, sobrang proud siya sa kanyang kakambal sa mga na-achieve nito sa showbiz.


“I’m very proud of him. He hasn’t stopped working and ‘di madali ‘yung mga shows na ginagawa ni Chard, so ako, very proud ako as a twin brother sa lahat ng achievements na nagawa n’ya,” he said.


Marami ang hindi nakakaalam na nagsimula sina Chard at Mond sa showbiz bilang child actors at nakagawa rin sila ng ilang pelikula.


Pero as they grew up, naiba ang landas na tinahak nila sa showbiz. Nag-focus si Raymond sa pagiging TV host habang si Richard naman ay nagpatuloy sa kanyang pag-arte. At pareho naman silang naging successful sa kanilang piniling career.


“When Chard started getting into acting, I was very supportive. Ako pa nga ‘yung minsan, nagsa-shopping for him, nag-i-style sa kanya sa mga big events n’ya.


“But when it came time na I wanted to join showbusiness, I really wanted to do hosting kasi, you know, it’s something that I felt came naturally to me.


“A lot of people think that hosting is an easy entry point into showbiz. ‘Di nila alam, mas mahirap actually ang hosting lalo ‘pag live kasi bawal ka magkamali. Lahat ng sasabihin mo, kailangan tama, especially now na everything’s online,” pahayag ni Mond.


“Ako, I really love hosting and it’s something that I’m very proud of. So, nu’ng time na I got to choose which projects I wanted to do, I really wanted to do hosting,” dagdag niya.


Marami ang hindi nakakaalam na dati ring child star si Raymond tulad ng kanyang twin brother at nakagawa na rin sila ng ilang pelikula noon. Kaya naman natanong sa kanya kung interesado pa siyang bumalik sa pag-arte.


He revealed na nagkaroon siya ng offer for a BL (boy’s love) project na seryoso raw niyang ikinonsider na tanggapin.


“But because of the pandemic, ‘di natuloy,” aniya.

If ever ay open naman daw siya sa mga ganitong klaseng pelikula.


“I think, it all boils down to the project, kung tama ba, kung okay ba ‘yung story. It’s not something I’m closing my doors on, but it’s not also something that I’m actively searching for.

“So, I think when the time is right and when the project is right, why not?” pahayag ni Mond.





SA isang pambihirang pagkakataon, muling uupo sa coaching panel si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, kasama sina Pop Rock Royalty Yeng Constantino at Filipino rap legend Gloc-9 bilang bagong coaches ng The Voice Kids (TVK).


Handog ng GMA Network ang sanib-puwersa ng tatlong mahuhusay na OPM icons para pangunahan ang bagong season ng pinakamalaking reality singing competition sa bansa.


Sa nalalapit na pagbabalik ng TVK sa telebisyon, magsasama-sama ang coaches sa iisang entablado para gabayan ang susunod na henerasyon ng singers at ang mga susubok maging kampeon ng season na ito.


Bitbit nina Julie Anne, Yeng, at Gloc-9 ang kani-kanilang makulay na karanasan sa musika na humubog sa kanila para maging mahuhusay na artists ngayon. Dahil sa kani-kanilang natatanging pananaw sa musika, matutulungan nila ang mga batang nangangarap na magtagumpay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page