Kailan mare-reinstate ang certificate of registration at professional license ng mechanical engineer
na pinawalang-bisa?
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 23, 2021
Dear Chief Acosta,
Limang buwan na ang nakalipas mula nang ipinag-utos ng Professional Regulatory Board of Mechanical Engineering ang revocation ng aking certificate of registration at professional license. Kailan kaya maaaring mai-reissue ang aking certificate of registration at license? – Harry
Dear Harry,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 28 ng Republic Act No. 8495 na mas kilala bilang “Philippine Mechanical Engineering Act of 1998”, kung saan nakasaad ang sumusunod:
“Section 28. Reinstatement and Replacement of the Certificates.- The Board, upon application and for reasons of equity and justice, may reinstate the validity of a revoked certificate of registration and professional license, upon payment of the required fees, at least two (2) years after revocation. A new certificate of registration to replace any certificate lost, destroyed or mutilated may be issued, subject to the rules of the Board, and upon payment of the required fee.”
Ibig sabihin, matapos ang dalawang taon mula ng revocation ng inyong certification of registration at professional license ay maaari kayong magsumite ng aplikasyon sa Professional Regulatory Board of Mechanical Engineering upang ma-reinstate ang inyong certificate at license, kaakibat ang pagbayad ng fees para sa nasabing proseso. Magkakaroon lamang ng reinstatement kung sakaling magdesisyon ang Professional Regulatory Board of Mechanical Engineering na may angkop na dahilan base sa equity at hustisya tungkol dito. Sa inyong sitwasyon, hindi pa kayo maaaring maghain ng aplikasyon upang ma-reinstate ang inyong certificate of registration at professional license, dahil hindi pa natatapos ang dalawang taon magmula ng revocation ng mga ito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments