Kailan kinakailangang kumuha ng permit sa pangingisda?
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 30, 2021
Dear Chief Acosta,
Nakahiligan ng aking mga tiyuhin na mamingwit ng isda sa mga ilog at lawa sa aming lugar tuwing libre sila sa oras. Hindi naman ito madalas at hindi rin nila ito ibinebenta dahil kaunti lang ang kanilang nakukuha, ngunit may nakapagsabi sa kanila na kinakailangan diumano nilang kumuha ng permit kapag nais nilang makapamingwit pang muli. – Val
Dear Val,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act No. 10654, o An Act to Prevent, Deter and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing, Amending Republic Act No. 8550, Otherwise Known as “The Philippine Fisheries Code of 1998,” and for Other Purposes. Nakasaad sa nasabing batas na:
“Section 86. Unauthorized Fishing. – (a) It shall be unlawful for any person to capture or gather or to cause the capture or gathering of fish, fry or fingerlings of any fishery species or fishery products without license or permit from the Department or LGU.
Except in cases specified under this Code, it shall also be unlawful for any commercial fishing vessel to fish in municipal waters.
The discovery of any person in possession of a fishing gear or operating a fishing vessel in a fishing area where he has no license or permit shall constitute & prima facie presumption that the person is engaged in unauthorized fishing: Provided, That fishing for daily food sustenance or for leisure which is not for commercial, occupation or livelihood purposes may be allowed.”
(Section 17; Binigyang-diin)
Samakatwid, hindi kinakailangang kumuha pa ng permit ang inyong mga tiyuhin kapag hindi naman pinanggagalingan ng kanilang kabuhayan o kaya’y pinagkakakitaan ang kanilang ginagawang pamimingwit ng isda sa ilog at lawa sa inyong lugar.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments