top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kailan dapat mag-retake ang agricultural and biosystems engineers?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 22, 2021



Dear Chief Acosta,

Nakakuha ako ng general weighted average na 75% sa board examination ng agricultural and biosystems engineers. Subalit, nakakuha ako ng marking 50% sa isang subject. Nararapat ba akong mag-retake ng buong examination upang makapasa? – Kevin


Dear Kevin,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 6 ng Republic Act No. 10915 na mas kilala bilang “Philippine Agricultural and Biosystems Engineering Act of 2016” na kung saan nakasaad ang sumusunod:


“Sec. 18. Rating in the Board Examinations. – To be qualified as having passed the Board examination for agricultural and biosystems engineers, a candidate must obtain a weighted general average of seventy percent (70%), with no grades lower than fifty-five percent (55%) in any given subject. However, an examinee who obtains a weighted general average rating of seventy percent (70%) or higher, but obtains a rating below fifty-five percent (55%) in any given subject, must retake the examination in the subject or subjects where he/she obtained a grade below fifty-five percent (55%) and must obtain a grade or grades in the said subject or subjects of not lower than fifty-five percent (55%).”


Ibig sabihin, upang maging kuwalipikado bilang nakapasa sa Board examination ng agricultural and biosystems engineers, ang kandidato ay nararapat na makakuha ng weighted general average na 70%, at walang marka na mas mababa sa 55% sa alinmang paksa. Gayunman, ang examinee na nakakuha ng weighted general average na hindi bababa sa 70%, ngunit nakakuha ng marka na mas mababa sa 55% sa alinmang paksa ay nararapat lamang na mag-retake ng pagsusulit para sa mga paksa kung saan siya nakakuha ng marka na mas mababa sa 55% at makakuha ng marka sa nasabing mga paksa ng hindi bababa sa 55%.


Sa inyong sitwasyon, sapagkat nakakuha kayo ng weighted general average na hindi bababa sa 70%, ngunit nakakuha ng marka na mas mababa sa 55% sa isang paksa, nararapat lamang kayo mag-retake ng pagsusulit para sa nasabing paksa, at makakuha ng marka na hindi bababa sa 55% upang makapasa sa board examination ng agricultural and biosystems engineers.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page