top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kaila at Daniel, pang-forever na ba?“ HINDI KO ALAM, EH. MAHIRAP MAGSALITA” — JANICE

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 14, 2026



SPECIAL - “HINDI KO ALAM, EH. MAHIRAP MAGSALITA” - JANICE_IG _super_janice

Photo: IG _super_janice



Tanggap na ni Janice de Belen kung sakaling makilala na lang siya ngayon bilang “nanay ni Kaila Estrada”.


Sa panayam sa aktres ni Ogie Diaz sa Ogie Inspires YouTube Channel, aminado si Janice na nakagawa na ng sariling pangalan si Kaila at panahon na nito ngayon. 

Pero in fairness, active pa rin naman si Janice both on TV and movies, at kahit sa social media kaya kilala pa rin siya sa showbiz.


Ilan sa mga napag-usapan sa interview ay ang relasyon ni Janice sa mga anak na sina Luigi, Inah, Moira, Kaila at Yuan, ang kani-kanyang love life ng mga ito at maging ang status ng love life ngayon ng aktres at ang relasyon nila ni John Estrada after ng kanilang hiwalayan.


Sa naging desisyon ni Inah na makipag-live-in kay Jake Vargas, inulit ni Janice ang sinabi sa mga unang interview na nasa tamang edad na ang anak (31 yrs. old) nang payagan niya ito sa gustong mangyari. 


“She’s an adult. Kumikita siya ng sarili niyang pera. Panghihimasukan ko ba ‘yun?” sabi ni Janice.


“Kung masaya ka diyan, basta naalagaan mo ang sarili mo. Basta alam mong handa ka sa setup na ganito. Matatapang naman sila. Matitibay sa buhay,” katwiran pa niya kaya hinahayaan niya ang mga anak sa mga desisyon ng mga ito sa buhay.


Si Kaila naman daw ay 30 yrs. old na rin kaya hinayaan na niyang mag-solo ng tirahan at umalis sa bahay niya.


“At saka nagpaalam naman siya sa akin. Ang sabi ko lang sa kanya, ‘pag nag-solo ka, walang balikan sa bahay. Kasi pinili mo itong gawin. Saka, as long as hindi ka magso-solo dahil gusto mong makipag-live-in. Iba ‘yun, eh, ‘yung magso-solo ka kasi inihahanda mo ‘yung makikipag-live-in ka kesa sa nag-solo ka dahil may gusto kang patunayan.”


Hindi diretsong sinagot ni Janice ‘yung iniisip ng ilan na nagli-live-in na sina Kaila at Daniel Padilla. Ang sinabi lang niya, hindi raw niya maaawat ‘yung gustong isipin ng mga tao, tulad din ng hindi niya maaawat ang gusto ng mga anak dahil nasa edad na nga ang mga ito.


Tungkol kay Daniel, wala naman daw masasabing masama si Janice, bagama’t hindi pa niya nakakatrabaho ang BF ni Kaila kaya hindi rin niya kilalang-kilala ang anak ni Karla Estrada.


“Wala naman akong masabi sa kanyang masama. Knowing my daughter, if she’s not happy, ‘di naman siya magtatagal. Basta masaya ang anak mo, bakit ka pa magrereklamo? Then seeing her happy, I’m happy for her.”


Sa tanong ni Ogie kung napo-foresee niyang sina Kaila at Daniel na ang magkakatuluyan, sagot ni Janice, “Hindi ko alam, eh. Ano ba, Ogie, galing ako sa ganyan. Akala mo ‘yun na ‘yung ending, hindi pa pala. Mahirap magsalita. Basta, ang gusto ko, masaya ang anak ko. And I trust that if she’s not happy, she’s going to go. She knows what to do.”


Samantala, natanong din ni Ogie kung sino sa mga artista ang hindi kayang makatrabaho ni Janice. Nagpakatotoo naman ang aktres na isa lang ang hindi niya kayang makasama – ang ex-husband at tatay ng apat na anak na si John Estrada.


“Hindi kami puwedeng magtrabaho together. Why? There’s so much history and so much drama in between the both of us. Napatawad ko na siya. Tapos na ako d’yan. Pero hindi lahat ng pagpapatawad ay ibig sabihin nu’n, kailangan kayong magtrabaho, kailangan kayong maging magbarkada. Hindi ako ganu’n, eh. And kung magiging problema kaming pareho sa trabaho, nakakahiya sa producer, unfair sa mga ibang tao naming katrabaho, unfair to the project,” may katwiran namang paliwanag ni Janice.


Kapag nagkikita raw sila ni John sa mga okasyon ay nagbabatian naman sila, pero hindi naman daw kailangang maging friends pa sila.


Inire-reserve raw niya ang pagkakataon na kung makikita silang magkasama ni John, ‘yun ay sa kasal ng kanilang mga anak.


Si Moira ang sure nang ikakasal, kaya ‘wag na tayong magulat kung makikita nating naglalakad sa aisle at inihahatid nina John at Janice ang kanilang anak sa altar.





‘Di takot kahit big stars ang kalaban… 

DENNIS, GAME SA BANGGAAN NILA NINA VICE-VIC AT KIMPAU SA MMFF



HINDI nakarating si Dennis Trillo sa first announcement ng MMDA Executive Committee ng unang apat na entries sa 52nd Metro Manila Film Festival noong July 7.


Isa ang pelikula ni Dennis na Amir, kasama ang batang si Argus Aspiras, sa first batch ng MMFF entries this year. 


Ang iba pang kasama sa first 4 entries ay ang prequel ng Miracle In Cell No. 7 na pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Xia Vigor at Jodi Sta. Maria; Haunted Carnival nina Julia Barretto, James Reid, Fyang Smith, John Arcilla at Diamond Star Maricel Soriano; at The Greatest Showdown nina Vice Ganda at Bossing Vic Sotto.


Kaya sa ginanap na announcement ng natitira pang 4 na entries sa MMFF sa December na ginanap sa Shangri-La Mall nu’ng Lunes nang hapon, tiniyak ni Dennis na present siya dahil gusto niyang magpasalamat sa pagkakapili sa kanilang pelikula at mag-invite na rin sa mga tao na muling tangkilikin ang entry ng GMA Public Affairs at ang iba pang kasali sa festival.


Kasama nga sa 4 pang ini-announce nu’ng Lunes ang Los Salvajes Bravos na pagbibidahan nina Romnick Sarmenta at Ruru Madrid, Little Hope na bida sina Yassi Pressman, Pepe Herrera at ang batang si Cailey Magno (pare-parehong no show sa event), Seeds of Peace: The Life of Fr. Rhoel D. Gallardo na pagbibidahan naman ni Zaijian Jaranilla; at last but not the least ang A Perfect Marriage nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Nahabol pa naming ma-interview si Dennis habang paalis na after ng MMFF announcement at siyempre, ayon sa aktor ay masayang-masaya siya na nakasama ang Amir sa 8 entries.


“Ang saya ng pakiramdam. Napaka-special na meron ulit MMFF entry dahil ‘yun ‘yung season na talagang pinakamasarap gumawa ng pelikula,” sabi  ni Dennis na sa escalator na namin na-interview. 


Sa tanong kung may pressure sa kanya na mag-top grosser ang Amir lalo’t mabibigat ang kalaban niya like Vic-Vice, KimPau, etc., sagot ni Dennis, “Well, mas magandang kompetisyon, ibig sabihin, maraming magagandang pelikulang puwede nating pagpilian. Pero kung mag-box office man, ano na lang ‘yun, bonus siyempre, ‘di ba?”


So, sabay-sabay nating abangan ang bagong ‘AMBAG’ ni Dennis Trillo at ng iba pang kalahok sa MMFF this year.


Anyway, tatlong cities ang hosts ngayong taon – ang Mandaluyong, San Juan at Bacolod kaya sa tatlong siyudad din magaganap ang Parade of Stars. 

Ang MMFF Awards Night naman ay sa Dec. 27 sa Shangri-La Hotel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page