top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaibigan ng aktor, nagsalita na… DIREK BRILLANTE, NANINIWALANG SI JULIA NA ANG PAKAKASALAN NI COCO

  • BULGAR
  • Aug 6, 2021
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 06, 2021



Tsikahan overload kami sa ipinag-imbitang lunch ng internationally-acclaimed and award-winning director na si Brillante "Dante" Mendoza with some members from the entertainment press sa kanyang bonggacious na balur sa Mandaluyong last Wednesday.


He invited us over para panoorin ang kanyang latest film titled GenSan Punch na ima-market globally, pero ayaw pang ipa-reveal ni Direk Brillante ang iba pang detalye.


But as it is, pang-international ang "flavor" ng GenSan Punch about a person with disability na nangarap maging world champion gaya ng favorite boxer niya na si Sen. Manny Pacquiao.


Sa next kolum na namin idi-discuss ang iba pang info sa GenSan Punch ni Direk Brillante. Bukod kasi rito, may isa pang pelikula si Direk that caught the interest ng mga netizens.


We're referring sa balik-tambalan ng controversial couple na sina Coco Martin and Julia Montes.


Ang tentative title nito ay Pola (Red Earth) na sa Pola, Oriental Mindoro nag-shooting. Ito rin ang reunion movie nina Direk Brillante at Coco.


Kuwento ni Direk Brillante, right timing lang daw na nagkaroon ng break at time si Coco para makapag-shooting ng pelikula kaya itinuloy na nila.


Okey naman daw ang muling pagtatrabaho nila ni Coco.


"Alam mo si Coco, mabait na tao rin naman 'yan. At saka, alam niya talaga 'yung ano niya, nu'ng ginagawa namin ito, sabi niya sa akin, 'O, ikaw ang direktor ko ngayon, ha?' Sabi niya, 'Artista lang ako kasi…' ganyan-ganyan. 'Sige,' sabi ko sa kanya. 'Basta ikaw, ano d'yan, ipagawa mo lahat sa amin kung gusto mo. Bahala ka d'yan. Hindi kami magrereklamo,' sabi niya."


Wala raw nagbago sa attitude ni Coco. Ito pa rin daw ang taga-timpla nila ng kape at taga-bili ng alak. At hindi rin daw totoo na nagkaroon sila ng "falling-out" ng kaibigang aktor.


Masaya si Direk B sa success na tinatamasa ngayon ni Coco. Sa gitna ng tagumpay ng aktor, nand'yan lang daw siya sa likod ng kanyang former protégé at nagbibigay ng advise kapag may problema.


"Oo naman. Kapag may mga isyu sa kanya… minsan, nai-involve siya sa kung anu-ano, nag-uusap kami. Kapag naano (nadawit) ang pangalan niya, nagsi-seek pa rin siya sa akin ng advice. Ako naman, tumatawag ako sa kanya para sabihan (siya), ganu'n.


"From time to time, nagte-text siya. Nangungumusta siya kung okey ba ako, ganoon."


Pag-amin pa ni Direk B, mas intense at mature na raw ang relasyon nila ni Coco ngayon kesa dati bilang magkaibigan.


Samantala, hindi lang si Coco ang puring-puri ni Direk Brillante kundi maging ang leading lady nito sa movie na si Julia Montes.


"Ano siya, kasi naka-work ko na rin si Julia, eh. Meron kaming Doctors To The Barrio na hindi masyadong nailabas. Project ko 'yun sa Department of Health. Si Julia ang kinuha ko kaya naka-work ko na siya before. Si Julia, walang 'eme' rin. Magaling siyang artista. Sobrang down-to-earth. At malakas kumain. Hahahaha!"


Sa kanyang personal observation, sina Coco at Julia ba talaga in real life?


"Ewan ko. Hahaha! Tayu-tayo lang 'to. Huwag ninyong sasabihin, ha?" biro ni Direk B.

Very professional daw sina Coco at Julia at 'di niya nakitang nag-PDA (public display of attention) sa set.


Since isa siya sa mga matagal nang nakakakilala kay Coco, sa tingin ba niya, si Julia na ang babaeng pakakasalan ng Kapamilya actor?


"I think so, oo," diin ni Direk B. "Kasi si Julia naman, napakabait na tao. I mean, alam mong hindi put-on ang kanyang kabaitan. Kasi, napi-feel mo naman 'yun, eh. Mapi-feel mo kapag nandoon siya, 'yung pagiging tahimik niya, 'yung pagiging down-to-earth niya, 'yung maano siya sa crew, hindi siya isnabero ba."


Taglay daw ni Julia ang mga qualities ng isang misis na aakma kay Coco.


Siyempre, 'di rin nakawala si Direk B when asked if true na may baby na sina Coco at Julia.

"Hindi ko alam. We don't ano, not unless it will come from them. We don't talk about personal matters. Hindi kami nag-uusap about personal life."


At kung si Direk B naman ang tatanungin kung aprub siya kay Julia bilang misis ni Coco in real life, "Oo naman. Diyos ko naman, sa ano ni Julia, eh, sa pagkatao ni Julia, wala siyang masamang tinapay. Saka wala siyang pangit na record sa films."


Produced daw nina Direk B and Coco ang Pola. As to how napasama sa movie si Julia, ang bida ng FPJ's Ang Probinsyano daw ang nag-suggest kay Direk B na kunin ang aktres.


"Actually, kay Coco. Hehe. At saka ano, bagay din siya. Saka sobrang ibang-iba ang roles nila rito 'pag napanood ninyo sila."


Tapos na raw kunan ni Direk B ang mga eksena nina Coco at Julia. Pero may isu-shoot pa si Direk na mga eksena after the lockdown.


"Basically tungkol sa story ng isang pulis na nag-amok. 'Yung pagiging asawa ni Coco, hindi 'yun ang central ano, eh, doon umikot ang kuwento, but basically tungkol sa isang pulis na nag-amok. So, si Coco 'yung pulis na nag-amok. Dahil sa…" pabitin na sabi pa ni Direk Brillante.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page