Kahit walang P5 milyon na singsing...
- BULGAR

- Dec 22, 2020
- 2 min read
HIRIT NG NETIZENS: PROPOSAL KAY ANDI NG TATAY NG 2 ANAK, SOBRANG SINCERE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 22, 2020

Magtatapos na ang 2020, pero heto at humabol pa ang international surfer na si Philmar Alipayo ng kanyang engagement proposal kay Andi Eigenmann.
Though matagal-tagal na ring live-in partners ang dalawa, kung saan may anak na sila, si Lilo, at preggy ngayon ang aktres, pinakamagandang regalo ang natanggap ni Andi mula sa karelasyon.
Post ni Andi sa kanyang social media account: “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I have one. It would’ve been ok regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepocz!”
Tuwang-tuwa ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose at binati siya, “Congratulations for the both of you.”
Heto naman ang mensahe ni Philmar, “She said YES! I love you so much. So happy to spend my life with you. Promise to take care of you, Ellie, Lilo and our coming baby number 3 and to make you laugh more and more everyday.”
Pawang positive ang mga komento ng mga netizens sa engagement announcement nina Andi at Philmar.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
"Nakakatuwang makakita ng engagement na walang kanegahan."
“Don't throw shade. A "congratulations" would suffice.”
Parang may patutsada naman sa na-engaged kamakailan lang na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang comment ng netizen na, “I agree with you. Timing na timing kasi na may couple na na-engage pero may halong negativity while itong kina Andi at Philmar, nakaka-good vibes, so talagang hindi maiiwasan mai-compare."
Dagdag pa ng isa, “Kung gaano ka-sincere at simple 'tong kay Andi, ganu'n naman kadrama 'yung sa kabila. May pa-vlog pa at iyak dahil sa singsing. Kaya dito ako sa engagement natutuwa.”
Hala, may comparison talaga, huh!
Pagtatanggol naman ng ilan, “'Di ba puwedeng i-admire na lang natin na wala nang bina-bash na iba pa, haayyy naku.”
“Lahat naman, puwedeng i-vlog ang ganap sa buhay nila, ke masaya ka o malungkot ka. No negativities sa lahat ng nagba-vlog kasi they're sharing what they feel na walang kaplastikan.”
“Lahat 'yan magba-vlog. Siyempre, mga fans, gusto makita at kumikita sila ru'n. Pero at least, ito, 'di fake at 'di puro kadramahan.”
“Saw the proposal. Walang flowers walang set up. Just the two of them. Nothing grand pero ramdam mo 'yung sincerity at love. Congratulations!”
“See? Wala sa singsing 'yan, wala sa way of proposal, wala sa engrandeng proposal at surprise. Ang importante, 'yung pagmamahal n'yo sa isa't isa at intent to marry.”
“At wala sa magkanong nagasta mo sa diamonds. Kaya everyone is happy for them dahil napaka-down-to-earth nila. Walang halong kadramahan.”
“Walang engrandeng ganap pero heartfelt.”
Well, kailan nga kaya magaganap ang kasalang Andi-Philmar, ngayong habang buntis ang aktres o pagkapanganak na niya?





Comments