top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kahit walang alam sa pulitika… COCO, SIKAT NA RAW, PINATATAKBO SA 2022

BULGAR
Apr 29, 2021
1 min read

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | April 29, 2021




Balitang-balita na ang diumano’y plano ni Coco Martin na pasukin na rin ang political arena at tumakbo sa mataas na posisyon.


Marami ang nag-uudyok at bumubulong sa aktor na malaki raw ang chance niyang manalo dahil sikat na sikat na siya at maraming viewers ang Ang Probinsyano na ilang taon na ring umeere. Tiyak na iboboto siya ng mga viewers ng kanyang serye. Magiging stepping stone ni Coco sa kanyang pagpasok sa pulitika ang kanyang kasikatan.


Pero, may ilang political analysts ang nagsasabing isang malaking “suicide” kapag nakinig ang aktor sa payo ng mga tao sa kanyang paligid. Hindi pa inabot ni Coco Martin ang kasikatan ng isang FPJ na kilala mula Aparri hanggang Mindanao.


Maaaring sikat siya sa NCR pero hindi pa niya naiikot ang buong ‘Pinas. At tiyak din na malaking halaga ang ilalabas niya bilang campaign fund. Uubusin ba ni Coco Martin ang kanyang naipon-naipundar nang dahil sa pulitika?


At kung saka-sakali, may sapat na ba siyang kaalaman sa papasukin niyang mundo ng pulitika?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page