Kahit wala raw sinirang tao, nagpakatotoo lang… MARK, AMINADONG INIWASAN NG MGA KAIBIGAN DAHIL SA
- BULGAR
- May 7, 2021
- 2 min read
KONTROBERSIYAL NA LIBRO NIYA
ni Nitz Miralles - @Bida | May 07, 2021

Hindi pa man nangyayari, may mga nagre-react na sa plano ni Mark Bautista na may plano siyang magkaroon ng sequel ang controversial book niyang Beyond The Mark na ini-release ng Viva Books noong 2018. Ito ang nabanggit ni Mark sa interview sa kanya ni Aster Amoyo sa show nitong TicTalk.
May mga nagsabing hindi na dapat magkaroon pa ng sequel ang libro ni Mark para hindi na uli siya maging controversial. Pero, para kay Mark, wala siyang siniraang tao sa una niyang libro.
“Sobrang confident ako at sobrang at peace ako na ginawa ko s’ya, na natapos ko s’ya. Alam kong wala naman akong sinaktan. Wala naman akong sinagasaan or something. It’s just that people are just judgmental. Sila ‘yung actually judgmental,” paliwanag ni Mark.
Aniya pa, kung babasahin ang kanyang libro, hindi ito nag-focus sa controversy. Ang dami raw story sa libro na hindi na pinansin dahil sa controversy lang nag-focus ang mga nakabasa.
Inamin din ni Mark sa nasabing interview na may mga kaibigan siyang umiwas sa kanya pagkatapos ma-release ang libro. Hindi lang siya iniwasan, naramdaman din daw ni Mark na tinaasan siya ng kilay at feeling ng mga ito, kalaban siya.
“Hanggang ngayon, proud ako na naisulat ko ‘yung libro. Na-inspire pa nga ako na baka madugtungan ko pa ito or something,” wika ni Mark.
Samantala, hindi na lang sa All-Out Sundays ng GMA-7 mapapanood si Mark kundi maging sa bagong singing competition ng network na Sing For Hearts kung saan isa siya sa mga judges kasama sina Rita Daniela, Ken Chan at Kean Cipriano.
Sina Megan Young at Mikael Daez ang mga hosts ng show na magpi-premiere sa June 13.





Comments