top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit wala na sa serye, Julia… YASSI, UMAMING TULOY PA RIN KAY COCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2021
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | March 10, 2021





Nagpasalamat si Yassi Pressman sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang paglabas sa FPJ's Ang Probinsyano nu'ng interbyuhin siya ni Melai Cantiveros sa Magandang Buhay kahapon.


Sa mahigit na limang taon niya sa Kapamilya action serye na pinagbibidahan ni Coco Martin, ramdam na ramdam daw ng buong cast ang pagmamahal ng mga televiewers sa kanila.


"Grabe, naging pamilya ko na rin talaga ang Probinsyano. This was a big step din pero kailangan na rin pong umikot ng kuwento and I'm so grateful for the ending na ibinigay po kay Alyanna. Maraming-maraming salamat," pahayag ni Yassi.


Pero kahit daw wala na siya sa Ang Probinsyano, patuloy pa rin siyang nagte-text sa mga dating kasamahan. Siyempre, una na riyan si Coco Martin.


Alam kaya 'yan ni Julia Montes? Joke!


Anyway, ang interbyu ni Momshie Melai kay Yassi sa Magandang Buhay ay para "i-raid" ang bag ng leading lady ni Coco.


"At ngayon naman, naging busy pa rin, Ate, eh," sabi niya kay Melai.


Sagot ni Momshie Melai, "Of course, Yassi Pressman (ka)! Hindi ba 'yan mabi-busy? Saan ka na busy ngayon?"


Busy daw si Yassi spending time with her family. Happy din niyang in-announce ang pag-open ng dalawang bagong negosyo niya. Una, ang Presidential Paws na nagbebenta ng mga dog accessories, at pangalawa, isang hygiene company.


Ilan sa laman ng branded bag ni Yassi ay ang mga ibinebenta niya sa kanyang company gaya ng electric toothbrush at dog accessories.


Speaking of Momshie Melai, aliw na aliw kami sa panonood nu'ng nag-guest siya sa vlog ni Toni Gonzaga sa YouTube.


May pa-behind the scene kasi si Melai sa sarili naman niyang YouTube channel bago siya pumunta sa interbyu sa kanya ni Toni na ginanap sa Ten17 office ni Direk Paul Soriano sa Makati City.


Nerbiyos na nerbiyos daw si Momshie Melai sa interbyu sa kanya ni Toni dahil baka wala raw manood sa vlog kung saan guest siya.


Say nga ni Melai, "Sana, magkaroon ng views kahit 100 views lang, please."


In fairness, naka-more than one million views agad after two days ang vlog ni Toni tungkol sa childhood revelations ni Momshie Melai.


So, pagdating ni Momshie Melai sa Ten17 Office, strict na sinunod ng team ni Toni ang protocol. Pagpasok ng gate ng Ten17 Office, may nakaabang na medical staff para mag-swab test sa mga kasama sa shoot ng vlog ni Toni.


Emote ni Melai sa kanyang vlog, for one year ay paulit-ulit daw siyang nagpa-swab test. Pasalamat na lang daw siya dahil laging negative ang result.


Bongga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page