Search
  • BULGAR

Kahit 'wag na raw magpakasal… SHARON, HININGI NA ANG EGGS NI KC PARA SIYA NA ANG PUMILI SA MAGIGING

TATAY NG APO


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 6, 2021




Sa April 7 pa ang birthday ni KC Concepcion, pero binati na siya ng inang si Sharon Cuneta last Sunday.


“On Easter Sunday the year I turned 19, I became a mother for the first time to a princess we named Maria Kristina Cassandra.


“Your birthday this year will fall on Wednesday, but you will forever be my Easter Baby (hence, the name Kristina, after Papa Jesus!),” ang simula ng mensahe ni Shawie para kay KC na ipinost sa Instagram kasama ang larawan nila noong baby pa ito.


“I miss you and you are always in my heart, Toot. I love you very much. Advanced Happy Birthday!” pagbati pa niya.


Ang nakakatuwa, diretsahan na siyang humiling ng apo kay KC. At ang mas nakakaaliw, sinabihan din niya ang anak na i-consider ang surrogacy at hindi na raw kailangang magpakasal. Bigyan na lang daw siya ng eggs nito at siya na ang bahalang pumili ng magiging tatay.


“I REALLY want grandbabies! Only if you want. Otherwise I will wait 'til your siblings start popping them out! Ang tagaaaaal naman!


“Can you consider a surrogate? I mean - just gimme your eggs and I’ll pick their poppa! Hehehe...Tutal I will kidnap all your babies!


“No need to get married, just gimme your eggs cos sayang your genes!!! I’ll do all the work! Hahahaha! No pressure.?!!!) I love you baby girl,” ang request ni Shawie kay KC.


Ang daming naaliw sa post ni Sharon at nakiusap din ang ibang netizens kay KC na pagbigyan na ang mama nito dahil gustung-gusto na talagang magkaapo.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.