Kahit wa' 'wenta, ipino-post sa socmed… DEREK AT ELLEN, SOBRANG KSP NA!
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 18, 2021

Maraming netizens na ang nagsasabi kina Derek Ramsay at Ellen Adarna na sobrang KSP o kulang sa pansin na sila.
Obyus daw kasing araw-araw ay gustong mapag-usapan nina Derek at Ellen kaya lahat ng galaw nila ay ipino-post nila sa social media.
Kahit 'yung mga wala namang kakuwenta-kuwentang bagay ay ina-upload pa nila tulad na lang ng mga kulitan nila bilang magdyowa.
Ang latest video na in-upload ni Derek ay 'yung panggugulat-pananakot niya kay Ellen. Parang bata ang dating seryosong aktor na nagtakip ng kumot habang hinihintay si Ellen na pumasok sa pintuan ng kuwarto nila.
Umay na umay na tuloy ang mga netizens sa kanilang dalawa at para bang nawala na 'yung misteryo nila bilang mga artista dahil lahat na lang ng galaw nila ay ipinakikita nila sa publiko.





Comments