Kahit together again na… JENNICA, TODO-SIGAW NA HINDI PA SILA NAGKAKABALIKAN NI ALWYN
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 21, 2021

Ilang araw nang usap-usapan na mukhang nagkabalikan na ang naghiwalay na celebrity couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco dahil na rin sa post ng aktor sa kanyang social media account na larawan nilang pamilya habang nagdi-dinner.
Kaya naman nang mag-guest ang mag-asawa sa Mars Pa More ay diretso silang tinanong ng mga hosts na sina Iya Villania at Camille Prats kung nagkabalikan na sila.
Ang nakakaloka, magkaiba ang sagot nila.
“Yes” ang sagot ni Alwyn habang “no” naman si Jennica.
Agad namang nagpaliwanag ang aktres kung bakit "no" ang kanyang sagot sa tanong.
"It's too early to say, eh. We're on the same page. Of course we are believing in God for our marriage to work.
"It's just that, there's so much healing that needs to happen," sey ni Jennica.
Nasa proseso pa rin daw siya ng "healing" matapos ang mga pinagdaanan sa married life nila ni Alwyn. Ayaw daw niyang madaliin ang mga bagay-bagay para wala siyang pagsisihan sa bandang huli.
"I still have unhealthy coping habits. So I'm really working on it,” dagdag pa ni Jennica.
Pero siyempre, wish ng mga kaibigan at fans nila na sa dulo ay talagang magkabalikan din ang mag-asawa at ma-settle na ang kanilang problema.





Comments