Kahit todo-explain, durog sa netizens… GLOC9, MAKABAYAN DAW KUNO, NAG-ENDORSE NG SUGAL, BINASH

ni Nitz Miralles @Bida | November 18, 2026

Photo: FB gloc-9
Tuloy ang pamba-bash kay Gloc-9 sa Instagram (IG) account niya dahil sa pagtanggap ng endorsement ng isang online gambling platform.
Tila hindi pinakinggan at hindi tanggap ng mga nadismaya ang desisyon nito.
Matatapang ang mga comments gaya ng… “If Francis M (Magalona) is alive, baka matauhan ka,” “Sira ang prinsipyo... sayang,” “Francis M must be rolling in his grave,” “Sumabog ang moral compass ni Lando,” “Akala ko, may paninindigan,” “Okay sana kung naghihirap ka na, eh. Kaso dami mong gig at sunud-sunod pa ang release ng kanta mo,” “Sell out, amp,” “Kunwari makabayan, gumagawa ng kanta tungkol sa korupsiyon. Pero nu’ng nakita n’yang komportable ‘yung upuan, ‘di lang siya basta umupo, nagawa n’ya pang kumandong,” at “Because dignity can’t pay bills.”
Hindi naman lahat galit kay Gloc-9, may mga nakaintindi kung bakit tinanggap niya ang endorsement on gambling.
Siguradong nababasa ng Pinoy rapper ang mga comments and in fairness, hindi siya nagde-delete.
Para fair, basahin natin ang paliwanag ni Gloc-9 kung bakit endorser na siya ng online gambling.
“Pinag-isipan ko muna ang pagtanggap ng proyekto na endorsement. I’ve been in the industry for 30 years next year. Nu’ng nahulog sa harapan ko ang project na ‘to, s’yempre, may time din na kino-contemplate ko s’ya,” pauna ni Gloc-9.
“Dapat, matuto tayong tumanggap ng mga bagay na out of our comfort zone. Ito ay challenge sa ‘kin. May mga haharapin din akong ibang bagay dahil dito,” dagdag ni Gloc-9.
Giit nito, pagkatapos ng tatlong dekada sa music industry, afford na niyang pumili ng dumarating na project.
“Pero, 50 years old na ako next year, so I think with almost three decades na ibinigay ko sa industriya, puwede ko naman siguro piliin kung ano ‘yung trabahong puwede kong gawin,” ayon pa sa rapper.
Nabanggit din ni Gloc-9 na hindi lang ang paghikayat na magsugal ang trabaho niya bilang endorser.
“‘Di lang kami hikayat nang hikayat. Kami rin ang nagsasabi na dapat alam mo ang boundaries mo, alam mo kung kailan tama na,” pagtatapos niya.
At this point, kahit ano ang sabihin at ipaliwanag ni Gloc-9, sarado ang tenga at isipan ng iba. Para sa kanila, mas hindi dapat siya ang nagpo-promote ng online gambling dahil ang mga komposisyon niya ay pangkomersiyal, may sinasabi at may lalim. Ito ang dahilan kung bakit may mga nadismaya sa kanyang desisyon.
May pa-audition na ang Viva Films, Newport Resorts World, A-Team ni Ogie Alcasid at Viva para sa cast ng Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical.
Naghahanap ang mga producers ng male and female performers, 18 years old and above. Hindi na mahihirapan ang gustong mag-audition dahil puwede na online.
Kailangang maghanda ng song na pipiliin ng team. Sa November 20, 5 PM (or earlier) naman ang registration at paalala na bawal ang walk-ins.
Mukhang marami ang nag-audition dahil ang nabasa namin, sarado na ang online registration.
Three years in the making ang musical na based sa mga compositions ni Ogie. Pangako niya sa isang interview, all his compositions will be included in Kailangan Kita.
What makes the musical more special ay dahil si Regine Velasquez ang makakasama at makakapareha ni Ogie. Kaya, hindi man mapanood muli sa concert ang Asia’s Songbird, sa musical na siya aabangan ng kanyang mga fans.
May mga suggestions pa sila kung sino ang gusto nilang mapanood sa pagtatanghal, kaya lang, willing bang mag-audition ang mga gusto nila?





Comments