Kahit 'tita' na lang daw ng aktor, Francine… ALEXA, TINAWAG NA 'MY LUV' NI KYLE
- BULGAR
- Dec 28, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 28, 2021

Tinawag na “my luv” ni Kyle Echarri sa kanyang post sa Twitter ang former co-housemate niya sa Pinoy Big Brother na si Alexa Ilacad yesterday afternoon.
Nag-tweet si Kyle couple of hours after ma-evict sa PBB house si Alexa, at dito, tinawag niya ang aktres ng “my luv.”
Ipinost ni Kyle ang screenshot ng video call nila ni Alexa habang nasa loob ng kotse sa Twitter account ng isa sa members ng tinawag na Gold Squad sa Kapamilya Network.
“My luv is outside naaaaa,” caption ni Kyle sa kanyang Twitter post.
Sa pagtawag ni Kyle ng “my luv” kay Alexa, ang daming nagreak na netizens sa Twitter.
"Aww....sweet, haha.. Love you both.”
“My KyLex heaaart. 'Yung mga Kyle talaga sa life ni Lex, ih.”
Naging very close pala sina Kyle at Alexa inside the PBB house. But not to the point na nagkaroon sila ng romantic relationship.
“Hehe, luv u, Kyle! Thanks for being a true friend to Lex."
Naku, ano kaya ang reaction ng mga fans ng love team nila ni Francine Diaz? May selos factor kaya na nararamdaman si Francine?
Mukhang hindi naman, kasi nga ipine-pair ng PBB fans si Alexa sa ibang housemate.
In fact, ang mga fans ni Alexa ang nagsasabi kay Kyle na protektahan si Alexa sa isa pang PBB housemate na nali-link sa dating kalabtim ni Nash Aguas.
'Yung ibang netizen, tinatawag na “ate” ni Kyle si Alexa. Habang 'yung iba naman, “tita” raw ni Kyle si Alexa.
“Awww such a sweet brother, love ko kayong dalawaaaaa!"
“Whaaaaaa. Cutiesss, thank youuu for loving our Alexa sa labas o loob man, Kyle!”
“Please protect your tita, let her know everything.”
Teka, mukha na bang tita ni Kyle si Alexa? Baby faced pa rin naman si Alexa.
Anyway, marami ang umasa na si Alexa ang tatanghaling next PBB big winner sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Edition.
Ilang linggo rin ang inilagi ni Alexa na tinawag bilang “Smartista Unica Hija ng Pasig” sa PBB house.
Feeling proud si Alexa sa kanyang naiambag bilang isa sa pinakamatulungin na mga housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.
“I think ang pinakaimportante na nabigay ko sa kanila bukod sa musika ay ang pagiging maalagain ko sa bawat housemate,” lahad ni Alexa.





Comments