Kahit super-sikat pa sa ‘Pinas… ROBBIE, UMAMING HINDI ANG LOLO JAWO ANG NO. 1 IDOL SA BASKETBALL

ni Vinia VIvar @Frankly | November 1, 2026

Photo: IG _robbiejaworski
Inamin ni Robbie Jaworski na hindi ang lolo niyang si legendary Robert Jaworski, Sr. or Big J ang kanyang No. 1 idol sa basketball. Sa halip, No. 2 lang daw ito.
Sa latest interview ng aktor sa Oh, My Gan!, natatawa niyang ini-reveal na ang No. 1 favorite basketball player niya ay ang pumanaw na NBA Superstar na si Kobe Bryant at alam naman daw ito ng lolo niya.
“Binibiro ko nga lolo ko dati. I call him dad, ‘di ba? Sinabi ko, ‘Dad, you know, you’re the living legend, you’re the Big J, you’re my idol.’
“Pero in terms of my idols sa basketball, it goes like this – Kobe Bryant, Robert Jaworski, Sr., and then after that, I’m open. Right now, it’s Luka Dončić (NBA player),” sey ni Robbie.
Habang lumalaki siya ay nasaksihan din niya kung gaano kasikat ang kanyang lolo, pati na ang kanyang inang si Mikee Cojuangco na isang professional equestrian at dating aktres din.
“Naalala ko one time, parang 8 years old ata ako. S’yempre, kilala ko na ‘yung mom ko as a successful athlete, pero one time, dinala n’ya ‘ko sa mall show at sobrang daming tao,” kuwento niya.
“Itinutulak nila (mga tao) ‘yung mga security guards. ‘Di kami makadaan. Eh, I was 8 years old, natakot nga ako, eh,” kuwento niya.
Doon daw niya na-realize na sobrang sikat pala ng kanyang mommy.
“Iba s’ya,” sambit niya.
Nang minsan naman daw ay sumama siya kay Jawo sa panonood ng isang basketball game.
“One time, 13 years old ako, hindi pa nga laro ng Ginebra (team ni Jawo) ‘to, laro ng Gilas. Pagpasok ng lolo ko, kasi magkasama kaming pumasok, parang 2nd quarter yata ‘yun. ‘Di naman s’ya sikat as Gilas player, sumikat s’ya as Never Say Die, Barangay Ginebra.
“Pero ‘yung buong arena, (sumisigaw ng) ‘Jaworski!’ So s’yempre ako, parang chills down my spine, lolo ko ‘to, pero grabe!” pagre-recall ni Robbie.
Pero kahit nasa lahi nila ang pagiging atleta, hindi naman ito ang mundong pinasok ni Robbie at mas pinili niyang subukan ang pag-arte na in a way ay namana rin niya sa kanyang ina.
Madugo raw talaga ang gastusin… KRIS, UMAMING TINUTULUNGAN NG MGA UTOL SA PAGPAPAGAMOT
Malaki ang pasasalamat ni Kris Aquino kay Anne Curtis na isa rin sa mga tumutulong sa kanya at sa mga anak niyang sina Joshua at Bimby Aquino sa pamamagitan ng pagpapaupa ng isang property nito sa kanila at a special rate.
Sa panayam ng Queen of All Media sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ibinunyag niya na kasalukuyan silang umuupa sa isang unit na pag-aari ni Anne. Pero ang nakakatuwa, binigyan daw sila ng aktres ng tinatawag niyang ‘ninang price’.
“We’re leasing where we’re staying. It’s the unit of Anne Curtis and it was given at a ninang price because ninang s’ya ni Bimb,” tsika ni Krissy.
“Masuwerte kami talaga in that aspect kasi we need to be within 30 minutes of a tertiary hospital,” sey pa niya.
Bukod sa kanyang living arrangements, napag-usapan din nila ng host na si Boy Abunda ang malaking gastusin na kaakibat ng kanyang medical treatments.
“So medicine is not as expensive here as it would be abroad pero ‘di hamak mas marami kang pagpipilian in the States.
“I was very fortunate na nu’ng kumuha ako ng insurance for myself and the boys, I only had hypertension so covered ‘to.
“Pero mabigat – mahal ‘yung premium na binabayaran ko for that but at least it does take care for a lot of the bills,” sey ni Kris.
“Pero, mahal s’ya because I need 24-hour na nurses – kailangan two at a time because naka-ilang bagsak na ‘ko,” dagdag pa niya.
Pero thankful naman siya na nandiyan din ang mga kapatid niya para tulungan siya sa mga madugong gastos ng pagpapagamot. Natutuwa rin siya na may mga bagong endorsements siya na malaking tulong din sa kanyang medical expenses.
“Mahal na mahal s’ya (gamutan) and I have to thank my siblings because it’s been a family thing.
“I was so proud na nu’ng itong September kasi, may mga endorsements ako na pumasok. I said, you only have to share one-third na lang, two-third kaya ko na,” tsika niya.





Comments