Kahit super-lamig… ANDREA, WALANG BRA SA PHOTO SHOOT SA SWITZERLAND
- BULGAR

- 9 minutes ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | February 8, 2026

Photo: IG _blythe
Nakipagkabugan si Andrea ‘Blythe’ Brillantes sa pagrampa kasabay ang international model sa Switzerland.
Si Blythe lang ang nag-iisang Pinay na rumampa para sa international clothing brand na Guess.
Ang nakakaloka pa sa invitation ng Guess ay sa bonggang ski resort ng rich and famous sa Gstaad, Switzerland ginanap ang show para sa winter fashion/collection. Plus, provided ng Guess Europe ang hair and makeup ni Andrea. Kaya naman naiba talaga ang look ng face niya sa mga pictures na ipinost sa Instagram (IG). Nagmukhang European talaga si Andrea sa makeup niya.
Habang ang kanyang stylist na si Eldzs Mejia ay inilipad din from Philippines to Switzerland ng Guess. Pang-international star na talaga ang level ni Andrea.
Shookt naman ang mga followers niya sa latest photo na ipinost niya sa IG recently. Braless si Andrea suot ang puffer jacket. Kaya naman sumilip ang mga pisngi ng dalawa niyang malulusog na boobs habang nagpi-pictorial sa Switzerland.
Anyway, tinapos muna ni Andrea ang shoot ng A Secret in Prague (ASIP) sa Czech Republic. Right after matapos ang shoot, agad siyang lumipad papuntang Switzerland.
Ang taray ni Andrea Brillantes, ‘di ba? Bonggang-bongga talaga!
BALIK-‘PINAS na pala si Jenny Syquia.
“Cynthia?” tanong for sure ng mga GenZs.
Well, sa mga hindi nakakakilala kay Jenny, paki-Google na lang po. Hahaha!
Si Jenny ang pangalawang babaeng pinakasalan ni Gabby Concepcion after Megastar Sharon Cuneta. Pero siya ang pangatlong babae ni Gabby pagkatapos ikasal ang aktor sa nanay ni KC Concepcion.
Noong nagkahiwalay sina Sharon at Gabby, si Grace Ibuna ang sumunod na nakarelasyon ng aktor at nagkaroon sila ng anak, si Garie Concepcion.
Isa lang din ang naging anak nina Jenny at Gabby, si Cloie, pagkatapos ay naghiwalay din sila after 3 yrs..
Ikinuwento ni Jenny kay Karen Davila na noong pumunta siya sa Pilipinas, may relative siya na nagdala sa kanya sa set ng movie ni Gabby. Agad ay niyaya siya ng aktor na makipag-date hanggang sa nag-propose na nga sa kanya. After a while, ikinasal na sila.
Mas nauna pa raw ikasal si Jenny kay Gabby bago sila nag-kiss.
Nang maghiwalay sila, muling nagpakasal si Jenny at nanirahan sa Switzerland. Nagkaroon ulit siya ng isang anak na babae sa second husband niya, kaya lang naghiwalay din sila.
Three years nang hiwalay si Jenny sa kanyang second husband at nagbalik na siya sa Pilipinas.
May jewelry business si Jenny Syquia na plano niyang i-stretch dito. Naiisip din niyang magbalik sa showbiz, provided na English ang dialogue.
Bukas din siya sa posibilidad na gawin ang reunion movie with Gabby Concepcion.








Comments