top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Last year, aktor ang wala… ELLEN, OUT SA 2ND B-DAY PARTY NG ANAK NILA NI DEREK

Writer: BULGAR
BULGAR
9 hours ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | October 22, 2026



FRANKLY - ELLEN, OUT SA 2ND B-DAY PARTY NG ANAK NILA NI DEREK_IG _maria.elena.adarna _derekramsay07

Photo: IG _maria.elena.adarna _derekramsay07



Unlike last year na absent si Derek Ramsay sa first birthday ng anak nila ni Ellen Adarna na si Liana o Lily, this time ay present na present ang aktor sa ikalawang kaarawan nito.

Makikita sa kanyang Instagram (IG) Story na magkasama sila sa birthday party ng anak kasama ang mga batang friends nito.


Hindi lang malinaw sa post ng aktor kung siya ba ang naghanda sa birthday party dahil makikita rin sa mga larawan at video na wala si Ellen sa okasyon.


Nagbigay din ng madamdaming mensahe si Derek sa kanyang anak.

“Happy 2nd Birthday to my little princess, Lily (red heart & cake emoji).


“That look you’re giving daddy says a thousand words without saying a single one (teary-eyed & heart emoji). I don’t know what goes through that little mind of yours when you look at me like that, but I know one thing for sure is you have my whole heart,” simula ni Derek.

Tinawag din ng aktor na greatest blessing niya si Lily.


“You may only be two, but you’ve already given my life a love that words will never be enough to explain. No matter how big you grow, you will always be Daddy’s little girl, my greatest blessing, and one of the most beautiful reasons I keep going.


“Love you, my Lilyput,” mensahe niya sa unica hija.


Matatandaang pinag-usapan last year ang first birthday party ni Lily dahil wala si Derek. That time ay mainit na ang espekulasyon tungkol sa hiwalayan nila ni Ellen.


May mga ulat na hindi umano siya nakapunta sa party, habang mayroon ding mga pahayag na siya ay imbitado ngunit hindi raw nakarating dahil pinili umanong maglaro ng golf at frisbee.


In fairness, bumawi naman si Derek ngayong taon.





HUMANDA na sa maningning at makulay na 42nd Star Awards for Movies dahil muling pagsasamahin at titipunin ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) Star Awards Inc. ang makikinang na mga bituin at personalidad sa pinilakang-tabing sa Gabi ng Parangal na gaganapin sa Oktubre 25 sa Winford Resort and Casino Manila.


Pangungunahan ang mga dadalong bituin ng mga Hall of Fame awardees na sina Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, sound engineer Albert Michael Idioma, at veteran screenwriter and National Artist Ricky Lee na bibigyang-pugay dahil sa sampung beses o higit pang pagkapanalo nila sa kategoryang Movie Actress of the Year, Movie Sound Engineer of the Year, at Movie Screenwriter of the Year, ayon sa pagkakasunod.


Si Vilma ang kauna-unahang aktres na pagkakalooban ng Hall of Fame sa Star Awards for Movies. Haharanahin at hahandugan siya ng isang tribute number ng dalawa sa kanyang mga naging leading men sa pelikula na sina Edgar ‘Bobot’ Mortiz at Tirso Cruz III.


Ang Megastar na si Sharon Cuneta ang tatanggap ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award. Bago ito, kabilang din siya sa mga nabigyan ng PMPC ng Dekada Awards at nanalo na rin siya ng dalawang Movie Actress of the Year. Ang mismong anak ng Megastar at singer-theater actress na si Kakie Pangilinan ang magbibigay ng tribute sa kanya.


Pararangalan din ang beteranong aktor at pangulo ng Mowelfund na si Rez Cortez ng kaparehong award na ipinangalan sa yumaong Superstar at National Artist habang ang dating producer na si Alex Muhlach ang tatanggap ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award. 


Igagawad kina Vice Ganda at Nadine Lustre ang mga parangal na Takilya King and Queen dahil sa 2025 highest-grossing movie nilang Call Me Mother. Nominado rin sina Vice Ganda at Nadine sa Movie Actor at Actress of the Year.


Ang magsisilbing hosts naman ay sina beauty queen-host Emma Tiglao, Tony Labrusca, Jameson Blake, at Beauty Gonzalez.


Nakatakdang mag-perform sa opening ang OPM Chief at actor-TV host na si Ogie Alcasid. Habang magkakaroon naman ng spot number si Asia’s Phoenix Morissette, na nominadong New Movie Actress of the Year para sa Song of the Fireflies.


Siyempre, aabangan din ang highlights ng gabi para sa mga magwawaging pelikula, artista, at mga tauhan sa produksiyon na siguradong magbibigay-kulay sa event.


Ang 42nd Star Awards for Movies ay inoorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC Star Awards Inc. sa pangunguna ng pangulo nito na si Fernan de Guzman.

Katuwang ng PMPC sa Gabi ng Parangal bilang producer ang The Revival King na si Jojo Mendrez at ang EV Production and Events. 


Muling nakipagsanib-puwersa ang PMPC sa PlayTime Entertainment at bilang official entertainment partner, ibibigay nito ang PlayTime Fans’ Favorite Award sa October 25.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page