top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kahit paulit-ulit nang hiniwalayan… KRIS, 'DI MATIIS SI MARC, TOGETHER AGAIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 4, 2024



Hindi na gaanong pinansin ng mga netizens ang balitang magkasama na naman umano noong Pasko at Bagong Taon sina Kris Aquino at VG Marc Leviste.


Ilang beses na kasing nag-emote si Kris ng kanyang pamamaalam kay VG Marc dahil hindi raw niya kaya ang LDR (long-distance relationship), kaya minabuti niyang tapusin na ang kanilang relasyon.


Pero, hindi naman niya matiis kapag bumabalik na si Marc sa kanyang piling. 


Ang napansin ng publiko ay ang pagdalaw nina Kim Chiu at Bela Padilla kay Kris. At least, sumasaya si Kristeta kapag may mga dating kaibigan na nakakaalala sa kanya.


Hindi na lang ngayon pinapansin at bina-bash si Kris dahil naaawa ang mga bashers sa kanyang kalagayan. Hindi na nila pinapatulan ang mga emote nito sa social media. 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page