top of page

Kahit patay daw ang role, bayad… FREDDIE WEBB, AMINADONG DAHIL SA PERA KAYA UMAARTE PA RIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2025
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 1, 2025





Pabiro, pero totoo at tama ang sagot ni Freddie Webb kung bakit at 82 years old, nagtatrabaho pa rin siya at kasama sa cast ng drama series na Ang Himala ni Niño (AHNN) na napapanood sa TV5.  


“Malaki ang bayad, bakit naman ako tatalikod sa magandang palabas gaya nito?” paunang sagot ni Freddie nang tanungin kung bakit niya tinanggap ang offer. 


Sinundan ito ng “I’m comfortable acting as an old man because I’m an old man. When I got the role, I talked to God at sabi ko, ‘God, bahala na kayo sa ‘kin. I’m not young anymore.’ I’m happy and forever grateful na part ako ng series. I’m glad to be given the role of Lolo Mars.”  


May sinabi pa si Freddie na ikinatawa ng press at may kinalaman ito sa karakter niya sa series na si Lolo Mars. 


Aniya, “Hindi na baleng patay ang karakter, basta may taping pa rin.” 

Hindi malinaw kung ang ibig sabihin ni Freddie ay magmumulto ang karakter niya sa series.  


Anyway, may 2 weeks airing pa naman ang AHNN at malalaman ng mga viewers kung mamamatay nga ba ang karakter niya o mabubuhay? 

Basta happy si Freddie sa karakter niya na siyang magtuturo kay Zion (Cruz) na magdasal.  


“Sabi ko kay Zion, ‘Pasalamat ka, marami pa tayong taping at pasalamat ka sa three cameramen na kinukuhanan ang magaganda mong anggulo.’ I am in the twilight of my years. How blessed am I to be taken as part of this series,” ayon pa kay Freddie.  


Nagkaroon ng reunion sina Freddie at Carmi Martin sa AHNN na 12 years magkasama sa Chicks to Chicks (CTC). Pasikat pa lang daw noon si Carmi at ngayon ay isa nang superstar.  


Ang Himala ni Niño is presented by MQuest, TV5 and line produced by Cornerstone Studio directed by Thop Nazareno. 


Saranggola, sumabit… CHOPPER NA SINASAKYAN NI SEN. BONG, MUNTIK MAG-CRASH


NASA Facebook (FB) ni Senator Bong Revilla, Jr. ang ginanap na misa kahapon sa bahay nila sa Bacoor, Cavite, para magpasalamat sa successful emergency landing sa Cebu ng sinasakyang chopper ng reelectionist senator. 


Kasama ni Bong na nagsimba ang kanyang pamilya at staff na laging kasama sa pangangampanya.  


Post ni Bong, “Thanksgiving mass with family this Sunday. Always thankful for God’s love, protection, and blessings.” 


Naniniwala ang senador na himala ng Sto. Niño ang nagligtas sa kanila dahil malapit sa chapel ng Sto. Niño ang binabaan nila. 


Kasama sa pinasalamatan ni Bong ang owner ng property kung saan sila nag-emergency landing.  


Ipinakita pa nga nito ang chapel ni Sto. Niño, kung saan sila nag-emergency landing. Ipinakita rin nito ang propeller ng chopper kung saan sumabit ang pinapalipad na saranggola na sumabit. 


Mabuti raw at hindi nag-crash ang chopper dahil sa nangyari, kaya panay ang pasasalamat ni Bong na safe sila at nakabalik ng Manila.  



HINDI rin pala nakayanan ni Buboy Villar ang bashing sa kanya at sa partner niya ngayon dahil in-off nito ang comment box ng kanyang Instagram (IG). 


Matatandaang nagsalita kamakailan ang ex ni Buboy na si Angillyn Gorens na nanay ng dalawa niyang anak at ibinulgar nga nito na bukod sa hindi nagsusustento ang aktor ay binubugbog daw siya noon.


Ang hindi na-off na comment box sa IG ni Buboy, limitado naman ang puwedeng mag-comment, na ikinadismaya ng mga bashers na gusto pa namang okrayin si Buboy.  


Pati nga teeth cleaning at pagbisita ni Buboy sa skin clinic, ginawang isyu at kung anu-ano ang comment sa kanya. 


Sa lagay na ‘yun, wala siyang sinabi sa isyu sa mediacon ng Samahan ng mga Makasalanan (SNMM) at sa interview lang kay Nelson Canlas siya nagsalita, pero ang dami pa ring nag-react.  


Mabuti na lang at hindi nagpapaapekto si Buboy, tuloy ang trabaho niya at nakangiti pa rin sa mall shows nila ng cast ng nasabing pelikula. 


Kailangan niyang tumulong sa promo dahil nakakahiya naman sa mga kasama kung siya lang ang wala. Tapos, tatanggap siya ng bonus kay Chavit Singson na nangako ng bonus sa buong cast kapag naipalabas na ang movie.


Balik-pelikula si Buboy sa SNMM, tapos may isyu pa siya. Ang biruan nga, mas may isyu pa siya kesa kina Sanya Lopez at David Licauco na mga bida sa pelikula ni Director Benedict Mique.  


“Magandang blessings ito for me dahil matagal na akong hindi nakakagawa ng movie at comedy pa. Nagpapasalamat ako sa mga writer at kay Direk Benedict, sobrang enjoy kami on and off cam. Sana maging successful,” wish ni Buboy Villar.  


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page