Kahit pasado para kina Pia at Catriona… HIRIT NG NETIZEN: LIZA, BYUTI LANG, 'DI PANG-MISS U ANG UTAK
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 19, 2021

Ini-encourage ng dalawang Miss Universe title holders na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na sumali si Liza Soberano sa Miss Universe beauty pageant.
Nagsimula ito nang may isang fake account at poser ni Liza na nag-post sa Facebook ng: “'Pag si Rabiya talaga, ‘di maiuwi ang crown, ako talaga sasali next year!”
“Bawi tayo next year! Ako bahala,” ayon pa raw sa aktres.
Itinanggi ni Liza na siya mismo ang nagsabi nu'n dahil wala siyang FB account.
Sinabi rin niyang wala siyang planong pasukin ang beauty pageantry.
“As much as I am flattered and grateful for all of your support and comments saying that I should give Miss Universe a try, I really don’t think it is for me. I’m an introvert and stages with a huge audience scare me half to death (as ironic as it may sound),” sambit pa ng magandang aktres.
Pero kahit mismong sina Pia at Catriona na ang naniniwalang malaki ang chance ni Liza na manalo sa competition, kontra naman dito ang ilang netizens.
“She has a beautiful face but doesn't have that long and lean body of a model. Almost all the candidates in Ms. U were super model ang dating.”
“'Di n'ya nga carry kaya sabi na lang n'ya na introvert siya KUNO. Imbento si ganda n'yo. 'Di na lang n'ya aminin na she's not cut for it.”
“Introvert naman talaga siya noong nag-start pa lang siyang mag-artista. Noong unang may nagtanong sa kanya kung mag-e-MU (Miss U) ba siya, sabi niya, ang pangarap niya noon pa lang, mag-sundalo like his lolo. 'Di mo lang maamin na inggit ka. Kahit ipinu-push ng taga- BBP si Liza sa MU, ayaw niya pa rin, haha!”
“She has the looks, but definitely would not do well in Q&A. Interviews pa lang niya, always sound so scripted.”
“Wala nga raw siyang balak sumali kasi she's not for it. She knows that. Pati, ilang beses niyang sinabi, she's not for beauty pageant. Anubeyen.”





Comments