Kahit parehong nasa New York… KC, 'DI PINUNTAHAN SI FRANKIE NU'NG B-DAY
- BULGAR
- Dec 17, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 17, 2021

Birthday ni Frankie Pangilinan kahapon, December 16, at pagkatapos ng heartfelt birthday greetings ni Sharon Cuneta sa panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan, tsinek ng mga netizens ang Instagram ni KC Concepcion kung may birthday greetings din ito kay Frankie.
Nalaman ng mga netizens na nasa New York si KC noong 21st birthday ni Frankie, kaya may nagtanong sa panganay ni Mega kung magba-bonding ba sila ng kapatid?
Sagot ni KC, “It’s her finals week, so she needs to focus.”
At least, hindi na-bash si KC sa sagot niyang ‘yun, lalo na ‘yung mga nag-e-expect na magkita sila ni Frankie. Saka, sa sagot ni KC na alam na finals week ni Frankie, ibig sabihin, may communication sila. Kahit naman hindi birthday ni Frankie, puwede silang magkita, at baka nga nagkita na sila by now.
Speaking of KC, hindi nito sinagot ang mga tanong kung kailan siya babalik ng Pilipinas o kung babalik pa siya dahil nakikitang nag-e-enjoy siya sa Amerika.
Ka-enjoy-enjoy naman talaga ang buhay ni KC lalo na kung may nami-meet siyang celebrities, gaya ni Sarah Jessica Parker na na-meet niya at may picture pa sila sa premiere ng nagbabalik na Sex and the City.
Tama ang caption niyang “And just like that... some new dreams I dreamed came true.”





Comments